Aljur, nag-aabang lang sa sasakyan… KALAT NA: AJ, NANGANAK NA SA OSPITAL SA PASIG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 29, 2022

Nanganak na umano si AJ Raval, 'yan ay ayon daw sa source ni Ogie Diaz.
Sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi sa YouTube ay nabanggit ng batikang manunulat na may nagkumpirma umano sa kanya na nanganak na si AJ sa isang hospital sa Pasig.
Hindi raw Raval ang ginamit ni AJ sa hospital kundi Alvarez.
Ani Ogie, "Ako'y nagugulumihanan, ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin, sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ. Na nu'ng dumating doon, eh, nakatakip ang mukha pero hindi siya ru'n sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang."
Pagbabahagi pa niya, "Si Aljur Abrenica raw ay nandu'n sa labas nang madaling-araw noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandu'n siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually, malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga 'yun.' Kasi tinanggal ang face mask."
"Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na (si AJ). Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez."
Tanong naman ni Mama Loi kay Ogie, paano raw nalaman ng mga tao sa hospital na si AJ nga ang nanganak?
Ani Ogie, "Kaya na-identify na si AJ 'yun kasi 'yung tattoo sa dibdib."
Hmmm, gaano kaya katotoo ang ibinulgar ng source ni Ogie?





Comments