Aljur, 'di kasama… KYLIE, NAGPUNTA SA BAHAY NI ROBIN BITBIT ANG MGA ANAK

ni Nitz Miralles - @Bida | February 26, 2021

Walang update si Kylie Padilla sa status niya ngayon, ganu’n din si Aljur Abrenica.
Pansin lang namin na pareho silang may post sa IG Story nila ng video ng dalawa nilang anak na naglalaro. Wala na ring cryptic post sa IG si Kylie at ‘yung huli niyang post ay tungkol sa self-love.
May line sa kanyang post na ang sabi, “Even at your worst, you are worthy of everything because in the eyes of the universe, you’re perfect as you are. You are whole.”
Malalim, ‘no?
Anyway, sa report ng Chika Minute last Wednesday, nabanggit na bumisita si Kylie sa bahay ng amang si Robin Padilla at ni Mariel Rodriguez kasama ang mga anak. Dumalaw din daw ito sa bahay ng pinsan ng mom niya sa Pampanga.
Sabi pa sa report ni Nelson Canlas, tatapusin lang ni Kylie ang endorsement duties niya saka magpapahinga muna. Nanghihingi si Kylie ng panahon na pagtuunan ang sarili dahil big challenge sa kanya ang maging hands-on mom sa kanyang mga anak.





Comments