top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ALJUR, DEDMA LANG KAHIT TINATAWAG NANG KABIT SI AJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 26, 2023





Mabuti at hindi nagpapaapekto at hindi apektado ang trabaho ni AJ Raval sa muling pag-init ng isyu sa kanila nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


Tuloy ang trabaho nito at noong isang araw, kasama si Angeli Khang, dumalo sila sa Casino Plus PK Battle Celebrity Edition.


Kung may mga reporters sa event, na-interview kaya nila si AJ tungkol sa reaction niya sa mga akusasyon na kabit siya, homewrecker at kung anu-ano pang kanegahan?


Kahit paulit-ulit nitong sinabi na wala siyang inagaw, na wala siyang sinirang pamilya at alam ito ni Kylie, ayaw siyang paniwalaan ng mga bashers.


May mga nanghinayang nga kay AJ dahil ang ganda raw nito, pero sa lalaking may pamilya pa na-in love. Sana raw, pumili siya ng single, ‘yung walang sabit at walang mga anak para mas masaya ang kanyang love life.


Kailangan na sigurong magsalita ni Aljur para ipagtanggol si AJ dahil siya ang tumatanggap ng lahat ng paninira at panlalait.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page