ALJUR AT AJ, PROUD NA PROUD NA NAG-LIPS-TO-LIPS SA SHOW SA CANADA
- BULGAR
- Sep 13, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 13, 2023

Nagpakita ng sobrang PDA (public display of affection) ang magdyowang AJ Raval at Aljur Abrenica sa isang show ng hunk star sa Canada.
In-upload ng netizen sa TikTok niya ang video kung saan kumakanta si Aljur habang ka-holding hands sa tabi niya si AJ.
Itinuro ni Aljur ang mga kaibigan niya sa gilid na aniya, pinainom siya ng kung anu-ano. Kaya siguro ganoon na lang kalakas ang loob ni Aljur na ipinakita kung gaano niya ka-lab-lab si AJ.
Tapos, may sumisigaw pa sa crowd na halikan ni Aljur si AJ, na sinunod naman ni Aljur.
Pero bago niya halikan si AJ ay mababasa sa mga labi ni Aljur na nagpapaalam muna siya sa GF niya kung payag itong halikan siya.
Pagkatapos ay makikitang tumango si AJ sa mga sinabi ni Aljur at saka nag-lips-to-lips na sila in front of madlang pipol.
Tsika pa ni Aljur habang nagpe-perform, first out-of-the-country daw ni AJ ang pagsama ng kanyang GF sa kanya sa Canada.
Hanash ng mga netizens, “In lab na in lab.”
“Yuck! Loud and proud. Saka, mas maganda si Kylie Padilla, ‘di lang talaga kayo magka-level.”
“Legal ba itong PDA nila? Kasal pa siya, ‘di ba?”
Well…





Comments