top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aljur at AJ, kaya raw tameme na may anak na... KYLIE, MAGPAPASAKLOLO SA LAWYER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 7, 2022



May sitsit na gusto raw kausapin ni Kylie Padilla ang kanyang lawyer hinggil sa rumor na nanganak na diumano si AJ Raval.


Ang napapabalitang ama ng bata ay si Aljur Abrenica, ang nakahiwalay na mister ni Kylie.


Despite sa kumakalat na mga rumors, tikom pa rin ang bibig nina AJ at Aljur sa isyu.


Katunayan, nang may nagtanong kay AJ sa isyung nanganak na diumano siya, tinawag niyang “mga siraulo” ang nagpapakalat nito.


'Yun daw ang dahilan kung bakit gustong kausapin ni Kylie ang kanyang abogado.


“Meron yatang pinagsabihan na kaibigan itong si Kylie Padilla. 'I want to talk to my lawyer.'


Eh, bakit ba siya makikipag-usap sa mga abogado, ano ba ang dahilan?”


“'Yun siguro ang ikinakatakot nina AJ at Aljur, kaya wala silang komento sa isyu ng panganganak,” ayon pa sa aming nasagap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page