ALI, BYUTI, FLAWLESS AT MAS BATA ANG IPINALIT KAY CRISTINE
- BULGAR
- Jun 29, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 29, 2023

Dahil naging open na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa kanilang relasyon, may lumutang naman sa social media na larawan ng estranged husband niya na si Ali Khatibi kasama ang kanyang bagong girlfriend.
Marami ang nag-react at dumagsa ang mga komento ng mga netizens tungkol sa babaeng ipinalit ni Ali kay Cristine, na ang name ay Dona Balmadrid.
Ipinost ni Ali sa kanyang Instagram ang larawan nila ng bagong GF, kung saan makikitang nasa isang tattoo parlor sila. Ang inilagay niyang caption: “Couple tattoos.”
Ayon naman sa ilang netizens, mas maganda, mas flawless at mas sexy daw itong bagong GF ng estranged husband ni Cristine kumpara sa aktres. Pero depensa ng mga fans and supporters ni Cristine, mas bata lang daw ang chinita beauty.
Mas sexy at mas malakas pa rin daw ang sex appeal ni Cristine na naging pantasya ng mga kalalakihan noon. Hanggang ngayon ay maganda at fit na fit pa rin ang katawan nito kahit may anak na, kaya nga na-in love sa kanya ang mas batang boyfriend na si Marco.
Sa totoo lang, ang dapat daw na ma-insecure ay si Ali dahil bukod sa mas bata sa kanya si Marco ay mas guwapo pa. Hindi dapat panghinayangan ni Cristine ang kanyang babaerong estranged husband dahil may anak na rin ito sa dating karelasyon na nasa USA at ‘di niya ito binibigyan ng sustento.




Comments