Alexander, bumida sa Thunder; Adebayo at Russell, sakalam
ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 29, 2021

Ginulat ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 123-115, sa NBA kahapon mula sa Paycom Center. Unti-unting ibinura ng Thunder ang 70-44 na lamang ng Lakers sa 2nd quarter at kumapit hanggang sa huling segundo para maitala ang unang tagumpay.
Ipinasok ni Derrick Favors ang pinakamahalagang buslo na nagbigay sa Oklahoma City ng 118-115 lamang na wala sa Lakers ang swerte at sunod-sunod nagmintis ng tres sina Russell Westbrook, Malik Monk at Carmelo Anthony. Sinigurado ng technical free throw ni Shai Gilgeous-Alexander upang maitakda ang opisyal na iskor. Nanguna sa Thunder si SGA na may 27 puntos at Bazley na may 20.
Yumuko ang Brooklyn Nets sa bisitang Miami Heat ni Pinoy Pride Coach Erik Spoelstra, 106-93. Humataw sa 4th quarter 24 puntos si Bam Adebayo at kumuha ng malaking tulong kay Jimmy Butler na may 17 puntos.
Parehong kapalaran rin ang natikman ng World Champion Milwaukee Bucks at pinabagsak sila ng bisitang Minnesota Timberwolves, 113-108. Uminit ng todo sina D’Angelo Russell para sa 29 puntos at tig-25 puntos sina Karl Anthony Towns at Anthony Edwards upang mapawalang-bisa ang 40 puntos at 16 rebound ni Giannis Antetokounmpo.
Pumukol ng three-points kasabay ng huling busina si Harrison Barnes upang ibigay sa bisitang Sacramento Kings sa Phoenix Suns, 110-107. Nagtapos na may 22 puntos si Barnes upang tulungan si Buddy Hield na may 26 puntos galing sa pitong tres.
Nanalo rin sa wakas ang Toronto Raptors sa Scotiabank Arena kontra sa Indiana Pacers, 118-100 Nalampasan ng bisitang Atlanta Hawks ang huling paghabol ng New Orleans Pelicans, 102-99.
Wagi ang Washington Wizards sa Boston Celtics, 116-107. Depensa ang naging susi ng 92-79 tagumpay ng bisitang Cleveland Cavaliers sa Los Angeles Clippers. Patuloy rin ang mahusay na ipinapakita ng Charlotte Hornets at wagi sa Orlando Magic, 120-111.





Comments