top of page
Search
  • BULGAR

Alex, itinaob na… IVANA, 15.7 M NA ANG SUBSCRIBERS SA YOUTUBE

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 9, 2022


Ipinagdiwang ng sexy star na si Ivana Alawi ang pag-reach ng 15 million subscribers ng kanyang YouTube channel sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda.


Actually, mga ilang buwan na rin daw ang lumipas nu’ng maka-15M subscribers sa YouTube channel niya si Ivana. At ang latest, as of this writing, umabot na sa 15.7 million ang subs niya with only 147 videos, ha?


Pero pinili raw nilang i-celebrate ang pag-reach ng 15M subs paglipat nila sa bago nilang bahay.


Ang bongga talaga ng YouTube, ‘di ba? Nakapagpagawa pa ng bago and for sure, mas bonggang bahay si Ivana ngayon sa kabila ng pandemya.


At dahil nga sa dami na ng kinita ni Ivana mula sa kanyang YouTube channel, naisipan niya and her family na mag-give back sa mga kababayan natin.


“Ibinabalik lang namin ito sa inyo, sa mga tulong n'yo sa panonood n'yo,” say ng mommy ni Ivana.


Say ng netizen, “Sa lahat ng vloggers, sila 'yung pamilyang 'di lang may magandang lahi kundi may magandang kalooban. Best influencers.”


With her 15M subscribers, this made Ivana as the number one female celeb sa YouTube.


She’s next to Sen. Raffy Tulfo na may pinakamaraming subs sa hanay ng local celebrities with 23.9M subscribers.


Isa sa mga nag-congratulate kay Ivana at nag-post ng comment sa kanyang YouTube channel ay isa rin sa may pinakamaraming subs sa hanay ng local female celebs, si Zeinab Harake.


“Yeyyyyyyyy, congratulations, Ganda,” pagbati ni Zeinab sa comment section ng YT channel ni Ivana.


So, there.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page