Alex, gets mo 'yun? DINA: ANG CAKE, KINAKAIN, 'DI IPINAPAHID SA MUKHA NG WAITER
ni Nitz Miralles @Bida | January 29, 2023

Nag-viral ang video sa birthday party ni Dina Bonnevie na binibigyan siya ng two cakes na hawak ng magkaibang waiter.
Sa unang waiter na nagbigay sa kanya ng cake, in-assure ni Dina na hindi niya ito papahiran ng icing sa mukha.
“Hindi kita papahiran ng cake sa mukha! Thank you,” sabi ni Dina sa waiter na sa video clip, makikitang nakangiti.
Sa second birthday cake na ibinigay sa kanya ng isa pang waiter, nag-dialogue si Dina ng “Cakes are meant to be eaten, not pasted on other people’s faces,” na ikinatawa ng kanyang mga guests.
May mga magre-react nito sa mga sinabi ni Dina at iisiping may pa-shade siya kay Alex Gonzaga, lalo’t napag-uusapan pa rin ang isyung cake ni Alex.
Natatandaan din ng mga netizens ang naikuwento ni Dina na working experience niya kay Alex kung saan na-late raw nang bongga ang kapatid ni Toni Gonzaga.
Anyway, 61 years old na si Dina and still looking good and fabulous. Comment nga ng mga netizens, walang kupas ang ganda nito.





Comments