top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Eala pumaldo sa P4.97-M, Bencic target sa Round-of-16

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Nympha M. Ang @Sports News | August 8, 2026



Alex Eala vs McNally - WTA

Photo: WTA



Isang matinding laban ang ipinakita ni Pinay tennis ace Alex Eala kontra American Caty McNally at nakapasok sa round of 16 ng 2026 Toronto Open (National Bank Open) ngayong Sabado.


Nangamba ang mga Pilipinong manonood sa arena matapos tumawag ng medical timeout si Eala sa kalagitnaan ng laro nang matapilok ang kanang bukung-bukong. Ngunit nilabanan niya ang lahat ng 3-sets upang talunin si McNally sa score na: 6-3; 5-7; 6-4.


Pasok na si Eala sa susunod na yugto ng torneo at nakatakdang sagupain si Belinda Bencic ng Switzerland. Sa kabila ng pagkatalo kay Eala sa isang kapana-panabik na 3-set na laban, walang ibang sinabi kundi papuri ang Amerikanang tennis star na si McNally dahil sa pagiging pamoso ng Pinay.


Binigyang-diin ni McNally ang hindi kapani-paniwalang suporta na nakapalibot kay Eala, lalo na ang mga sold-out tickets sa stadium, at nagsabing, "Ang ginagawa niya para sa tennis ay nakakabilib parang hindi totoo at nauubos ang mga upuan sa stadium.


Parang nasa isipan ko na tanggapin na ang nangyayari sa paligid at tamasahin ito dahil isa itong magandang karanasan." Hindi lang basta nananalo si Alex Eala—isinasama niya ang isang buong bansa.


Samantala, paldong-paldo naman si Eala sa kanyang kinita sa natapos na dalawang laro. Nakakuha si Eala ng $81,800 na premyong pera matapos manalo sa kanyang unang dalawang laban sa National Bank Open, na katumbas ng humigit-kumulang ₱4.97 milyon.


Ipinagpapatuloy ng Filipina tennis star ang kanyang kahanga-hangang kampanya habang sumusulong siya sa torneo na dumaragdag sa kanyang gantimpala sa kanyang lumalaking tagumpay sa WTA Tour.


Makakaharap ng Filipina tennis star Eala si WTA #14 Belinda Bencic ng Switzerland sa Round of 16 ng National Bank Open sa Agosto 10.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page