Cool Smashers hawak ng ang 2X-to-beat, Foxies inilaglag

by Gerard Arce @Sports News | November 22, 2026

Photo: Pasok ang spike ni Tots Carlos ng CCS at hindi nagawang ma-block ni Honey Royse Tubino ng Foxies sa labang ito sa PVL kahapon. (pvlpix)
Ipinalasap ng winningest team sa liga na Creamline Cool Smashers ang matikas na kahusayan na kinailangang ilabas sa pinakamahalagang pagkakataon nang walisin ang Farm Fresh Foxies sa 25-19, 25-18, 25-18 upang masiguro ang second spot at ang pinaka-aasam na twice-to-beat bentahe papasok ng semifinals ng PVL All-Filipino Conference sa huling araw ng preliminary rounds sa Philsports Arena.
Tinapos din ng Cool Smashers ang 3-game losing skid, at three-game winning run naman ng Farm Fresh upang kaharapin ang utol na Choco Mucho Flying Titans sa Final 4, habang makakaharap ng Foxies ang top team na NXLed Chameleons na may hawak ng twice-to-beat bentahe.
Sumandal sa malawak na karanasan at katatagan ang Creamline na sinandalan sa iskoring sina 3-time league MVP Tots Carlos at national team standout Bernadeth Pons, na halos kumana ng triple double. Nanguna si Carlos sa 12 puntos mula sa 10 atake, habang bumira si Pons ng 10 marka para tapusin ang eliminasyon sa 5-3 kartada na nakuha ang mas mataas na puwesto. Umiskor din si Jema Galanza ng 9 pts, na sinundan ni Jeanette Panaga sa 7 marka at Bea De Leon sa 6 pts.
Todo buhos si Trisha Tubu ng Foxies sa game-high 18 puntos habang nag-ambag sina Ara Galang sa 9pts at Ces Molina sa 8 pts.





Comments