top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Coach Cone, Yap at Pingris nagbigay pugay kay Simon

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | November 22, 2026



Coach Cone, Yap at Pingris nagbigay pugay kay Simon

Photo: Pumanaw si 46-year old PBA legend Peter June Simon dahil sa atake sa puso sa isang practice game sa Davao City. (Hotshotspix) 



Bumuhos ang mga pagpupugay sa namayapang PBA alamat Peter June Simon ng Purefoods/ Magnolia Hotshots. Mga dating kakampi at kalaro na inalala ang isang huwaran na manlalaro.


Para kay dating PF/Magnolia Coach Tim Cone, patunay si Simon na maaabot ang tagumpay basta may kasamang tiyaga at sipag. Sa University of Mindanao galing si Simon.


Hindi rin makalimutan ni James Yap ang samahan bilang kakampi sa team at kaibigan sa labas. Ang pangatlong haligi ng kanilang "Big Three" na si Jean Marc Pingris ay nag-alay ng pasasalamat para sa kasiyahin na hinatid ni Simon.


Pati na rin ang dating support staff na si Toto Gaper ay inalalala si Simon. Mabait siya kahit sa team staff noong magkasama sila sa Davao Eagles ng MBA at Hapee sa PBL.

Binawian ng buhay si Simon Biyernes sa edad na 46 na kalaro ang mga ka-edad niya sa Davao City. Dinala siya sa ospital subalit huli na.


Dahil dito, nabigyan pansin muli ang RA 10871 na inaatasan ang mga paaralan na magturo ng paunang lunas o Basic Life Support at Cardio Pulmonary Resuscitation. Ito ay akda ni Rain Or Shine Coach Yeng Guiao noong siya ay kinatawan ng Pampanga at pumasa noong 2016.


Naghain ng panukala si Rep. Guiao matapos atakihin sa puso ang isa pang alamat Samboy Lim noong 2014 sa laro sa Ynares Sports Arena, Pasig. Sinabi noon na maaaring nabawasan ang suliranin kung kung may naka-antabay na medic, ambulansiya o kung may tao roon na marunong ng CPR. 




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page