top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ALEX, AMINADONG KAHIHIYAN NG PAMILYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 20, 2023




Marahil ay nakinig si Alex Gonzaga sa payo ng marami na personal siyang humingi ng dispensa sa waiter na pinahiran niya ng icing ng cake sa noo, si Ginoong Allan Crisostomo.


Matatandaang viral at maraming nagalit na netizens at kapwa personalidad na sumakay na rin sa isyu ang hindi rin pabor sa ginawang pamamahid ni Alex ng icing ng cake sa noo ng waiter pagkatapos niyang hipan ang kandila nu'ng kanyang birthday celebration kamakailan.


Pangmamaliit sa tao ang tingin ng lahat dahil ipinahiya niya ito gayung hindi naman sila close according to our source at hindi totoong kabiruan nila si G. Allan bilang waiter sa nasabing restaurant.


Nitong Miyerkules bago nag-hatinggabi ay nag-post si Alex sa kanyang Instagram Stories na humihingi ng sorry kay Ginoong Allan at sa idinulot niyang kahihiyan sa pamilya niya.


At ang importante sa lahat, ipinadama ng Panginoong Diyos kung ano ang dapat niyang gawin.


Aniya, “On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.


“I am truly sorry, Kuya Allan.


“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person.”


Samantala, hindi lang si Alex ang pinukol ng mga netizens, nadamay din ang pamilya Gonzaga dahil ito raw ba ang klase ng pagpapalaki nila sa TV host-actress-vlogger?


Pati ang nananahimik na asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada ay nadamay na rin dahil kinuwestiyon kung bakit hindi nito sinaway ang asawa, na pati ang personal na pinagdaraanan nila bilang mag-asawa ay nadamay pa — ang hindi pagkakaroon ng anak.


Sobrang masakit itong pakinggan o mabasa ng mga pamilyang Gonzaga at Morada dahil sa pagbibirong ito ni Alex ay nadamay nga sila.


Anyway, pagkatapos maglabas ni Alex sa kanyang IG Stories ay nag-post naman ang asawang si Konsi Mikee ng kanyang paghingi ng dispensa at inaming mali ang ginawa ng kabiyak at hindi ito puwedeng palusutin. Nasambit pang malaking aral ito para sa kanyang asawa pero kailangan nila itong harapin.


Post ni Konsi Mikee sa kanyang Facebook account…


“Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration.


“Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa.


Madaming mga rason na maaari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali.


“Nagkamali talaga siya. Na-recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyunan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan.


“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa rin sa kanya.


Tanggap natin 'yan pero bilang asawa, masakit 'yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa.


“Kahit nagkakamali ang isang tao, wala pa rin tayong karapatang murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinakanaapektuhan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.


“Nakakahiya rin sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.


“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali.


“Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa ang Panginoon, darating ang oras, maghihilom din ang lahat.


I love you!"


Sinagot ni Alex ang post ng asawa, “I learned a hard and important lesson. I am truly sorry for the pain and embarrassment that this caused our family. Always, I am most thankful for you. Melly, you help me become a better person each day.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page