ALDEN, UMAMING YUMABANG NANG SUMIKAT NA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 16, 2023

Inamin ni Alden Richards na yumabang siya nang makaramdam ng kasikatan.
Sinabi ito ng aktor sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Friday.
Tanong ni Kuya Boy, “Let’s talk about fame, hindi ka ba yumabang?”
Sagot ni Alden, “I would be a hypocrite Tito Boy if I’ve said no. At one point of course, lahat po tayo, nae-experience ‘yan. Siguro po, during the first part of my career.”
Pero na-realize rin naman daw niya na mali ang attitude niyang ito nang maapektuhan na rin pati ang mga malalapit na tao sa kanya.
“Nu'ng na-realize ko po ‘yun, Tito Boy, pati ‘yung malalapit sa 'kin ay naaapektuhan na.
“Parang these people, sila dapat ‘yung huling magrereklamo sa 'yo. And then, parang it hit me na baka nga ganu'n nga,” sey ng Asia’s Multimedia Star.
Natanong din ang aktor sa kanyang finances at kung kaya na ba niyang mabuhay nang komportable kahit hindi na siya magtrabaho.
Aniya ay hindi pa raw dahil ang malaking bahagi ng kanyang income ay nanggagaling pa rin sa pagiging artista niya.
“There’s this wise man who once told me that, ‘Never kill the goose that lays the golden egg,’ and right now po, that’s my career. Huge chunk of my income still comes from my job as an actor, as an artist,” he said.
Sabi pa ng aktor, “Mahal ko po ang trabaho ko, hindi pa po nawawala ‘yung passion ko sa kanya.”





Comments