top of page
Search
  • BULGAR

ALDEN, UMAMING NA-DEPRESSED, MUNTIK NANG MAGBABU SA SHOWBIZ

ni Julie Bonifacio @Winner | December 6, 2023




Speechless si Alden Richards sa kanyang first-ever appearance sa It’s Showtime last Monday.


But at the same time, may rebelasyon si Alden na nanonood siya ng It’s Showtime kaya na-bash siya.


What’s new? Ang mga Pinoy naman talaga, may gawin ka’t wala, laging may sinasabi.


Although, inamin ni Alden sa aming interbyu after ng Q&A sa mediacon ng movie nila ni Megastar Sharon Cuneta na A Family of Two na ayaw na ayaw niya ang naba-bash.


May nagsasabi kasi sa possibility na magkaroon ng “official” KathDen on-and-off screen, pero umiwas agad si Alden.


Pahayag niya, “Uy, haha! Ayoko pa rin pong mag-comment doon. Pero baka galing po ‘yun sa Hello, Love, Goodbye film. At saka Kath and I naman are good friends.


“So, kumbaga, we’ll never know what the future holds. Pero ‘yun nga po kasi, medyo mainit po ‘yung topic, masali po ako ulit. Ako po ‘yung ma-bash. Ayoko na po ng maba-bash (kaya), tatahimik na lang ako,” ngiti niya sabay labas ng kanyang dimples.


Inamin din ni Alden during our interview na dumaan pala siya sa matinding depresyon sa loob nang three months nu’ng medyo dumalang ang kanyang mga trabaho. Naisip na nga raw niyang iwan ang showbiz dahil tinanong niya ang sarili kung para rito ba talaga siya sa mundong ito.


“Ganoon naman talaga minsan kapag depressed tayo, you feel ‘yung self-pity. Na napupunta tayo sa ganoong parte ng buhay natin na for the first time after a decade po sa buhay ko, nakaramdam po ako ng ganoon. Pero good thing nga po I was able to get over that. At ‘di ako napunta doon sa uh, hindi ako nagbisyo or nagdroga. Buti na lang,” lahad ni Alden.


Malaking tulong daw sa kanya ang paggawa niya ng Five Break-Ups and A Romance kasabay ang A Family of Two produced by CINEKO Productions. Overlapping daw niyang ginawa ang dalawang pelikula.


“So, eto ‘yung mga naging therapy kong projects na sobrang nakatulong ang mga kasama ko rito,” diin niya.


Ang A Family of Two ay mula sa winning tandem ni Direk Nuel Naval, ng mahusay na manunulat na si Mel del Rosario at ng CINEKO Productions nina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.


Posibleng ang A Family of Two ang ikatlong top grossing film sa MMFF ni Direk Nuel. Siya kasi ang nagdirek ng monster hit sa MMFF na Miracle in Cell No. 7 and last year naman ay ang Family Matters.


Ipapalabas na ang A Family of Two sa December 25.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page