ALDEN, NASA GMA-7 PERO SA TVJ ANG LOYALTY
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 8, 2023

Ipinahayag ni Alden Richards na nananatili ang kanyang loyalty sa tatlong veteran hosts ng dating Eat… Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Natanong kasi ang Asia’s Multimedia Star kung willing ba siyang lumabas sa mga rival shows ng noontime show ng TVJ na E.A.T. sa TV5 at ang sagot niya ay hindi.
Matatandaan na ilang taon ding naging parte ng mga legit Dabarkads si Alden. At dahil nga sa dating EB! ay mas sumikat siya nang husto.
Palagi namang sinasabi ni Alden na kung wala ang TVJ ay wala rin siya. Ganu'n na lang kalaki ang kanyang utang na loob sa tatlong veteran hosts.
Pero nang magdesisyon sina Tito, Vic at Joey na mag-resign at iwan na ang TAPE, Inc. ay nagsumite na rin ng resignation letter ang mga legit Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K., Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon. Maging ang ibang production staff and crew ay sumunod na rin sa TVJ.
Tanging si Alden lang ang hindi nakasama sa mga legit Dabarkads dahil may kontrata pa siya sa Sparkle Artist Management.
Gayunpaman, kahit na ganu’n ang sitwasyon ni Alden ay buo naman ang suporta niya kina Tito, Vic at Joey. No matter what happens, ang kanyang katapatan ay nasa TVJ.
Masaya naman ang mga netizens na malamang kahit wala na sa GMA-7 ang TVJ ay hindi pa rin sila tatalikuran ni Alden.
Ilan sa mga komento nila…
“Patunay lang na lahat ng kasama nina Tito, Vic at Joey ay may respeto sa kanila at naniniwala na ang Eat… Bulaga! ay ang TVJ at walang dapat pumalit. Ang mabuting tao ay iginagalang at inirerespeto.”
“Proud na proud ako sa ‘yo, Alden. May paninindigan ka at marunong magmalasakit para sa mga mabubuting Dabarkads at para sa TVJ at sa legit Eat… Bulaga!. God bless!”
“Nice and good decision, Alden! Mabuhay ka! Sana, hindi ka magbago kahit may mga offers sa iyo na malaking halaga. Pera lang ‘yan pero ang pakikisama at utang na loob ay ‘di mo mababayaran.”





Comments