top of page

ALDEN, NAMATAYAN, OUT SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 25, 2025





Sinagot ni Alden Richards ang tanong ni Nelson Canlas sa kanyang social media hiatus dahil matagal-tagal na ring hindi siya nagpaparamdam sa social media. Pero, naiintindihan siya ng mga nakaalam sa nangyari sa kanyang pamilya.

Pumanaw ang Lolo Danny ni Alden, kaya mas pinili niyang umiwas muna sa socmed.


Hindi ito masyadong nabalitaan dahil nakiusap ang dad niyang si Richard Faulkerson, Sr. na bigyan sila ng privacy. Sinunod ‘yun ng mga fans at ng press, walang binanggit at binigyan sila ng oras to grieve.


“He died two weeks ago. ‘Yun ang reason for my social media break. Napatunayan ko na mas mahalaga ang pamilya kaysa ibang bagay. Walang makakapigil sa ‘kin pagdating sa pamilya,” sabi ni Alden.


Nailibing na ang lolo ni Alden, pero hindi pa rin siya bumabalik sa socmed. Ang una niyang binalikan ay ang trabaho at marami siyang ganap habang naka-socmed break. Dumalo sa Sikhayan Festival sa Sta. Rosa, Laguna, nag-shoot ng new endorsement at dumalo sa event ng mga ine-endorse niya.


After this, babalikan na siguro ni Alden ang trabaho niya sa showbiz at waiting na ang kanyang mga fans sa next movie na gagawin niya after ng Hello, Love, Again (HLA), pati ang TV series na gagawin after ng Pulang Araw (PA).


And speaking of HLA, streaming ang movie nila ni Kathryn Bernardo sa Netflix beginning February 13, 2025. Tamang-tama ito for Valentine’s Day.


BF, bawal na sa TV… 

RHIAN, PALIT KAY SAM SA TV SHOW




Soldout ang Bas Bakes Cookies baked by Rhian Ramos at masaya ang post nitong, “Day 1 sold out. Big thanks to everyone who ordered,” habang hawak ang isang cookie.

Nagreklamo ang ibang hindi umabot sa order dahil nga mabilis na-soldout.


May pabirong nag-comment na kaya madaling naubos ang Bas Cookies ni Rhian ay dahil sa ipinost nitong throwback photos niya na ang suot while baking ay black bikini bottom at scarf na ginawa niyang top.


Kaya may mga feedback na, “I’m drooling over you and the cookies,” “Ganito pala dapat outfit ‘pag masyadong obsessed maging perfect ang cookie. Magaya nga, baka ma-perfect ko na cookie ko.”  


May nag-comment pa ng “Dapat pala ganyan suot ‘pag nag-bake. Copy po,” at “Change ur clothes... not in panty, please.”  


Samantala, nababalitang si Rhian ang papalit sa boyfriend na si Sam Verzosa sa TV program nito sa GMA-7 na Dear SV dahil magsisimula na ang kampanya. Bawal na si Sam lumabas sa TV dahil tatakbo siyang mayor sa Manila.



NAKA-OFF na ang comment box ng Instagram (IG) ni Marc Nelson pagkatapos siyang sugurin ng mga netizens after lumabas ang balitang pagte-testify niya laban kay Maggie Wilson. 


Matagal ding naka-open ang comment box ng IG ng TV host, kaya sinugod siya ng mga netizens lalo na ‘yung mga kampi kay Maggie.


Kahit nag-post na si Marc ng statement kung saan sinabi ang rason ng pagte-testify niya laban sa kaibigan, hindi pa rin siya pinaniwalaan ng mga netizens. Kung hindi sila makapag-comment sa IG nito, sa isang fan site sila nagko-comment.


May mga comments na lumusot lang daw si Marc sa kanyang statement, nagpaka-superhero lang daw siya. May nagpayo pa sa kanya na ‘wag makisawsaw sa away ng mag-asawa. Safe rin daw ang statement ni Marc at may mga pa-shade pa.


Mas grabe ang mga comments laban kay Marc sa kanyang IG, kaya siguro in-off nito ang comment box. Hindi rin maganda na mabasa ng kanyang mga kaibigan at lalo na ng kanyang pamilya na siya pa namang tampok sa kanyang post.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page