top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Alden, may kinalaman sa paglipat ni kuya Kim sa GMA-7

BULGAR
Oct 7, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 07, 2021



Hindi raw naging madali para kay Kim Atienza ang ginawang desisyon bago tinanggap ang offer ng GMA Network. Humingi siya ng advise/opinion mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.


Seventeen years siyang naging bahagi ng ABS-CBN at malaki ang kanyang utang na loob sa network. Pero, may transitions na dapat mangyari sa kanyang buhay at career, kaya humingi siya ng signs bago nagdesisyon na lumipat sa GMA-7.


At nagparamdam nga ang mga hinihintay niyang signs!


Minsan, may kausap siyang kaibigan sa isang building nang may lumapit at bumati sa kanya, si Alden Richards na top actor ng GMA pala 'yun at galing sa gym na nasa building na 'yun.


Ilang araw lang ang lumipas ay tumawag naman kay Kuya Kim ang VP ng GMA Corp. Comm. Affairs na si Ms. Angel Javier Cruz. At ang sumunod na tumawag sa kanya ay si Ms. Annette Gozon-Valdes na presidente ng GMA Films.


Ang 3 signs na ito ang naging deciding factor upang tanggapin ni Kim Atienza ang alok sa kanya ng GMA-7.


May segment si Kuya Kim sa 24-Oras. Makakasama rin siya sa Mars Pa More at may sarili siyang show sa GTV, ang Dapat Alam Mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page