ALDEN, LAGLAG SA DABARKADS
ni Nitz Miralles @Bida | June 2, 2023

Kabilang sa mga nalungkot sa pagkawala ng Eat… Bulaga! sina Alden Richards at Ryan Agoncillo.
May post si Alden na photo nila ni Vic Sotto at kahit walang caption, ramdam ang lungkot sa picture, lalo at black and white ito.
Sa isa pang picture, makikita si Alden na parang nakaluhod habang nasa background niya ang logo ng EB! at may caption na: “Always and forever... @eatbulaga.”
Naka-tag si Ryan sa post na ito ni Alden at feeling namin, kuha niya ang naturang larawan.
Ramdam din ang lungkot ni Ryan sa caption ng post niya ng photo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon: “Thank you, @eatbulaga,” lang ang inilagay nito, pero agad na umani ng iba’t ibang reaksiyon.
Karamihan sa mga comments, wish na manatili sa EB! si Ryan at pangako ng mga viewers, hindi nila iiwan ang mga Dabarkads at susundan nila ang mga ito sa kahit saang network man sila magpunta.
May problema lang sa side ni Alden kapag lumipat na nga sa TV5 ang EB!, hindi na siya puwedeng lumabas dahil contract star siya ng GMA Network.
Anyway, two weeks lang daw na magpapahinga ang mga Dabarkads at pagkatapos nito, balik na uli sila sa ere.
May mga nagkumpirma na ngang sa TV5 na mapapanood ang mga Dabarkads dahil nagkapirmahan na raw ng kontrata ang mga ito at ang Brightlight Productions ni Bacolod Mayor Albee Benitez.





Comments