top of page
Search
  • BULGAR

ALDEN, 'DI MAN LANG DAW BUMATI SA KASAL NINA MAINE AT ARJO

ni Nitz Miralles @Bida | July 30, 2023



Hinanapan ng message si Alden Richards para sa mga ikinasal na sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza. Bakit daw wala man lang message si Alden para sa dating ka-love team na si Menggay, at dahil dito, may AlDub fans na naniwalang clone lang at hindi si Maine talaga ang ikinasal kay Arjo.


Tama naman ang mga dumepensa kay Alden, halimbawang binati nito ang mga bagong kasal, siguradong tatawagin siyang user, papansin at sumabay umeksena kina Maine at Arjo. Kung ginawa ni Alden na i-congratulate ang mga ikinasal, siguradong na-bash na siya at nag-trending pa.


May nagpaalala sa fan na naghahanap ng message ni Alden na nag-congratulate na ang aktor kina Arjo at Maine sa mga interviews niya bago ikinasal ang dalawa. Ano'ng pagbati kaya ang gusto ng AlDub fan?


Sabi tuloy ng kanyang kapwa fan, gusto nitong ipahamak si Alden na tahimik na nagtatrabaho.


And speaking of Alden, mabigat agad ang first episode niya sa Magpakailanman na ang title ay A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story kung saan ang gagampanan niyang karakter ay marathon runner na may cervical dystonia na may involuntary

muscle movement.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page