top of page

ALDEN, ‘DI MAKALIMUTAN NA ‘DI PUMASA NOON SA STARSTRUCK

  • BULGAR
  • May 16, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 16, 2022



Sariwa pa rin sa alaala ni Alden Richards ang sakit na naramdaman nang hindi siya pinalad na makapasok sa StarStruck noon.


Sa podcast ni Nelson Canlas ay nagbalik-tanaw ang aktor sa panahong nag-audition siya sa StarStruck at nakasabay pa niya sina Rocco Nacino at Sarah Lahbati.


Pinahiram pa nga raw niya ng white t-shirt noon si Rocco. That time ay nasa Top 100 pa lang daw sila. Pero pagdating sa Top 60, hindi na pinalad si Alden na mapili.


Isa-isa raw silang tinawag noon and either “congratulations” ‘pag nakuha and “thank you” kapag hindi naman nakapasok ang sasabihin sa kanila.


Nang tawagin ang pangalan niya ay “thank you” ang sinabi sa kanya.


"Ang sakit-sakit nu’ng vow na 'yun. Kitang-kita mo sa mukha ko na I was disappointed. Sobrang nasaktan ako noong time na 'yun,” sabi ni Alden.


Inamin din ng aktor na talagang gusto niyang mag-artista that time dahil kailangang-kailangan nila ng pera.


"Na feeling ko, pag-aartista 'yung makakasagot. Need na siya. Wala pa 'yung passion doon na gusto kong mag-artista kasi gusto kong maging aktor, gusto kong maka-inspire ng maraming tao. Wala pa 'yung konsepto nu’n noong time na 'yun. It's just about the money. Real talk lang, 'yun talaga siya.


“'Yun 'yung priority that time, kasi nga, when my mom passed away, my dad had to resign from his job for 10 years to get the severance pay to pay for the funeral and kung anu-ano pang gastos that time,” pagtatapat ng aktor.


Pagkatapos na hindi makapasa sa StarStruck ay ayaw na raw sana niyang mag-artista at sumuko na siya. Pero destiny siguro talaga ng aktor ang showbiz dahil nang magkaroon ng isa pang audition sa GMA-7 para sa Alakdana, kinumbinse siya ng manager na mag-audition at pinalad namang nakapasa siya. And the rest is history.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page