ALDEN: DAPAT SA EDAD 35, KASAL NA 'KO!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 1, 2023

Ayon sa Pambansang Bae na si Alden Richards, "Dapat by 35, kasal na 'ko." Ito raw ang sinasabi niya sa kanyang sarili.
Pero, ang problema, wala pa rin siyang karelasyon hanggang ngayon. Aniya, naghahanap naman daw siya, 'yun nga lang, tingin niya ay hindi tumatagal kapag ipinipilit.
Ang goal ni Alden, dapat sa edad na 35, kasal na siya at bumubuo na rin ng sarili niyang pamilya.
"The more ko siyang ipinipilit, the more siyang nawawala. Parang buhangin po, eh, the more kang kumakapit sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo," ani Alden sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
"Gusto ko po, may asawa. Mahirap po 'yung single parent. At saka, ayoko pong i-deprive 'yung anak ko na lalaki siyang tatay lang 'yung kilala niya. Gusto ko, buo 'yung family."
Ang Kapuso actor ay binansagan bilang "The Asia's Multimedia Star" matapos nitong makatanggap ng Asian Star Prize award sa 14th Seoul International Drama Awards noong taong 2019 dahil sa husay nito sa pag-arte.





Comments