top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ALDEN AT XIAN, HOSTS SA MISS UNIVERSE 2023

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 14, 2023




Ang gaganda ng mga ngiti ng mga Miss Universe Philippines candidates nang marinig ang mga pangalan nina Alden Richards at Xian Lim na magiging hosts sa coronation night sa May 13, 2023 sa SM Mall of Asia.


Kasunod ng mga ngiti ang palakpakan at may narinig pa kaming napa-"Wow" na malamang, ang dalawa nga ang magiging hosts sa coronation night.


Si Xian, naging host ng Miss Universe 2021 with Catriona Gray. With Alden naman, parang ngayon lang siya magho-host sa ganitong kalaking event, kaya for sure, paghahandaan niya ito, lalo na't ngayon pa lang, may mga nagkukumpara na sa kanila ni Xian in terms of hosting.


Ayon sa mga netizens, si Alden ang mas tututukan nila sa coronation night at ang iba, babantayan kung magkakamali si Alden.


And speaking of Alden, sa interview ni Winwyn Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi sigurado o hindi nito matandaan kung pormal na nanligaw sa kanya ang aktor.


Hindi raw malinaw kung nagparamdam sa kanya si Alden dahil mabait at sweet daw ang aktor hindi lang sa kanya kundi sa lahat.


Sabi kasi ni Alden na unang na-interview ni Boy Abunda, muntik na niyang maging girlfriend si Winwyn. Mukhang may miscommunication ang dalawa sa aspetong ito.


Ang natatandaan namin, isa si Winwyn sa mga special guests ni Alden sa opening ng McDonald's branch niya at extra special pa ang trato niya sa aktres at doon din namin unang narinig na may something special sa kanilang dalawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page