top of page
Search
  • BULGAR

Albie, binisita ang anak sa US — Ogie Diaz

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 20, 2024


Pumunta ang aktor na si Albie Casiño sa US kamakailan lamang, upang makita ang kanyang baby boy kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend. Nangyari ito matapos magwakas ang pumatok na seryeng"Can't Buy Me Love," ayon sa entertainment insider na si Ogie Diaz.


“Tumulak na papuntang US ang young actor para makita, mahawakan, at makarga ang kanyang unang anak. Ang kanyang baby boy kasi, ang kanyang jowa na isang foreigner ay nanganak noong April 30,” ani Diaz.


“After ng kanyang palabas, tumulak na siyang US para maramdaman niya ang pagiging Tatay niya. First time niyang makikita ang kanyang anak,” pagpapatuloy niya.


Ayon kay Diaz, base sa kamakailang pagkikita kay Casiño, nais ng aktor na ilantad ang balita tungkol sa kanyang baby boy pagkatapos niyang umalis ng bansa. Binahagi rin ni Diaz ang isang malabong larawan ng isang tulog na sanggol na nakahiga sa kama.


“Proud siya ah! Sabi niya kasi sa’kin, ‘Hintayin mo muna akong makaalis, Tito Ogie.’ Nakita ko, napakagwapo. Hawig din kay Albie. Sobrang tuwang-tuwa si Albie, hindi niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya. Congratulations, Albie,” kwento ni Diaz.


Sa ngayon, hindi pa opisyal na kinukumpirma ni Casiño ang mga ulat.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page