top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alas Pilipinas susubukin na sa AVC Cup sa RMSC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2024
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 21 2024


Photo: PBA

Mga Laro sa Miyerkules – Rizal Memorial

10 AM Singapore vs. Kazakhstan

1 PM India vs. Iran

4 PM Hong Kong vs. Vietnam

7 PM Australia vs. Chinese-Taipei


Taglay ang mga kilalang bituin at bagong palayaw, sasandal ang Alas Pilipinas sa mga tagahanga sa pagbubukas ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup For Women ngayong Miyerkules sa Rizal Memorial Coliseum. Nais ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na mapuno ang palaruan at ipagpatuloy ang tinatamasang tagumpay sa pandaigdigang entablado.


Walang laro ang World #63 Alas at may pagkakataon na masuri ang mga makakalaro. Nabunot ang mga Pinay sa Grupo A kasama ang #44 Chinese-Taipei, #57 Iran, #59 Australia at #62 India. Nasa Grupo B ang defending champion #40 Vietnam, #33 Kazakhstan, #55 Indonesia, #67 Hong Kong at ang wala pang ranggo Singapore. Maglalaro ng single round o tig-apat na beses ang bawat bansa.


Bubuksan ng Alas ang kanilang kampanya sa Mayo 23 (Huwebes) kontra Australia sa 7:00 ng gabi. Araw-araw na ang kanilang mga laro sa India (Mayo 24), Iran (Mayo 25) at Chinese-Taipei (Mayo 26) – lahat sa parehong oras.


Ang Challenge Cup ay pagkakataon para sa mga pausbong na bansa na paunlarin ang kanilang Volleyball. Dahil dito, hindi kalahok ang mga higante gaya ng #6 Tsina, #8 Japan, #14 Thailand at #37 Timog Korea.


Ang kampeon ngayon ay tutuloy sa 2024 FIVB Women’s Challenger Cup sa Hulyo 4 hanggang 7 sa kalapit na Ninoy Aquino Stadium subalit pasok na ang Pilipinas bilang punong-abala. Haharapin nila ang mga kinatawan mula sa lahat ng kontinente para sa karapatan mapabilang sa prestihiyosong Volleyball Nations League.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page