top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alam na this, Mavy! KOBE, IDINIDISPLEY NA SI KYLINE SA IG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2024
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 2, 2024



Showbiz News
Photo: Kobe Paras at Kyline Alcantara

Tila kinumpirma na ni Kobe Paras ang estado ng relasyon nila ni Kyline Alcantara sa kanyang latest Instagram (IG) post.


Sa IG Story ng basketball player na anak nina Benjie Paras at Jackie Foster ay makikita ang larawan ni Kyline. Ini-repost niya ang nasabing photo mula sa IG ng aktres. Bukod dito ay nag-react din si Kobe ng heart-eyes emoji sa same IG photo ni Kyline na inulan nang katakut-takot na komento mula sa mga netizens.


Feeling ng mga fans and netizens ay “dating” na sina Kobe and Kyline.


Bakit nga naman ire-repost ni Kobe ang larawan ni Kyline sa kanyang IG kung wala naman silang ‘something’ lalo pa nga’t alam na alam niyang pagsisimulan ito ng intriga?


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:


“Hala ka, in love s’ya.”


“Tapos ang pila (heart emoji)”


“@_kokoparas confirmed.”


“HOY INI-STORY ‘TO NI KOBE!!!!”


“Iminyday na, wala na, may nagwagi na.”


Last week pa nagsimula ang espekulasyon na may namamagitan kina Kobe and Kyline nang mapuna ng mga netizens na parehung-pareho sila ng larawang ipinost sa kani-kanilang Instagram accounts at halos pareho rin ng oras.


Ang picture na ipinost nila ay kuha mula sa isang restaurant sa Makati City. Hindi ito nakaligtas sa mata ng mga netizens at dito na nagsimula ang tsismis na dating ang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page