Alam na this, Herbert… RUFFA, MAS TYPE MAGING MISIS NG PULITIKO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 25, 2022

Samantala, tinanong din namin si Ruffa kung posible rin bang pumasok na siya sa pulitika dahil obyus na obyus na nag-level-up na siya ngayon base sa kanyang mga sinasabi.
Parang ang lalim na at ang dami nang alam ni Ruffa tungkol sa mga problema ng bansa, lalo na nu'ng ma-experience raw niya ang magsaka sa bukid na isa sa mga naging mission niya sa M.O.M.S..
Sabi niya, "My God, 2 oras lang akong nakababad, ang hirap na, what more ang mga magsasaka?
Dapat talaga, taasan na ang suweldo ng mga magsasaka," paulit-ulit na sabi ni Ruffing.
Kaya asked namin siya kung naimpluwensiyahan kaya siya ng nali-link sa kanya na si dating QC Mayor Herbert Bautista at gusto na rin niyang pumasok sa pulitika.
Sagot ni Ruffa, mas gusto na lang daw niyang maging "politician's wife" kesa makigulo pa sa pulitika.
Oh, ha?! Alam n'yo na!
Paging, Mayor Bistek! Char!





Comments