top of page

Alam na this, Coco!... JULIA, NAKA-LEATHER JACKET, MAKATA AT PROBINSIYANO ANG TYPE NA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 17, 2021





Sinagot ni Julia Montes ang tanong kung ano ang type niyang lalaki at aniya, naka-leather jacket, moreno, sakto ang height, makata at probinsiyano na lahat ay katangian ni Coco Martin.


Ang aktor ay matagal nang alam ng publiko na kasintahan ni Julia at hinihintay na lang kung kailan sila aamin, tulad ng patnugot namin dito sa BULGAR, ‘di ba, Ateng Janiz? (Sana ‘pag umamin sila, ma-shocked pa ako. Char! — JDN)


Mapapanood ang mga sagot na ito ng dalaga sa YouTube channel ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee na may titulong Lie Detector EXTREME Challenge with Julia.


Gumamit sila ng lie detector test gadget na katulad ng ginagamit ng iba para sa naturang challenge na una naming napanood sa programang Gandang Gabi Vice o GGV.


Sa mga hindi nakakaalam ay super close si Julia sa mag-asawang Boyet at Dimples simula nu’ng magkatrabaho ang dalawang aktres sa Mara Clara kasama si Kathryn Bernardo noong 2011.


Naging nanay-nanayan nina Kathryn at Julia si Dimples kaya bukas ang pinto ng bahay ng mag-asawa sa dalawa, pero mas madalas pumunta ang huli.


Sa tanong ni Boyet kung ‘naka-sando o leather jacket’ ba ang gusto ng dalaga, saad ni Julia, “Teka lang, nate-tense ako. Leather jacket.”


Pero nakuryente siya kaya naloka ang aktres.


“Baka naman naka-sando sa ilalim ng leather jacket,” paglilinaw ni Dimples.


Sa tanong naman na ‘mestizo o moreno,’ tumawa nang malakas si Julia at sabay sabing, “Moreno.”


Kaswal namang sinabi ng dalaga na “Sakto lang” ang nais niyang tangkad ng lalaki.


Mabilis namang sinabi ni Julia na mas gusto niya ang makata kesa inglesero ngunit nakuryente ulit ang aktres.


Sabi tuloy ng dalaga, “Feeling ko, uuwi talaga akong luhaan mamaya kasi masakit na talaga (kanang kamay niya).”


Sa question namang ‘Manila boy o probinsiyano,’ bumulong si Julia sa gadget at aniya, “Umayos ka kundi babasagin talaga kita,” sabay sagot ng “Probinsiyano.”


Pero nakuryente ulit ang aktres kaya lumalabas na hindi totoo ang lahat ng sagot ni Julia.


Depensa ni Boyet, “Huwag kayong basta-basta maniniwala sa mga laruan.”


Dagdag naman ng dalaga, “Kung ayaw ninyong masira ang relasyon ninyo.”


So, alam na this!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page