Alam na! KUYA KIM, PALIT KAY WILLIE SA GMA-7
- BULGAR
- Feb 14, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 14, 2022

Malaking hamon sa mga hosts ng programang Dapat Alam Mo ang ibinigay sa kanila ng GMA Network nang ilagay sila sa dating time slot ng programa ni Willie Revillame na Wowowin.
Dati-rati ay sa GTV napapanood ang Dapat Alam Mo at nakasanayan na nila ito. Pero, iba pa rin ang primetime slot ng GMA-7, malawak ang viewership nito kaya dapat ay may bagong pasabog ang Dapat Alam Mo.
Pero, sabi nga ni Kuya Kim Atienza na isa sa mga hosts ng show, hindi naman sila nape-pressure. One day at a time ang magiging atake nila. Basta itutuloy pa rin nila ang kanilang regular na ginagawa sa show.
Mas pinaganda at mas pinalakas ngayon ang Dapat Alam Mo. Wala ngang dapat na ipag-alala ang mga hosts ng show dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga viewers nang i-launch noong Oktubre, 2021 ang Kapuso news and magazine show na hosted by Kim Atienza, Emil Sumangil at Patricia Tumulak.
Maraming viewers ang naaaliw sa handog na segments ng show tulad ng Serbisyo On the Spot, Shout Out at SWAT (Serbisyong Walang Atrasan). Good vibes at mga bagong kaalaman naman ang hatid ng Kakabakaba. Matatakam naman ang lahat sa segment na Take Eat Away.
At ang segment na Dami Mong Alam.... Kuya Kim ay maghahatid ng mga trivia na tatak na ni Kuya Kim Atienza.
So, kung nawala nga si Kuya Willie Revillame sa GMA Network, ang dati niyang trono ay ipinasa na sa trivia man na si Kuya Kim Atienza.
Comments