Alam na, Daniel… ALDEN, GUSTUNG-GUSTO NG PAMILYA NI KATHRYN

ni Julie Bonifacio @Winner | May 21, 2024

Very visible si Alden Richards sa special occasions sa buhay ni Kathryn Bernardo. ‘Di naman kataka-taka dahil open si Alden sa nararamdaman niya sa ex-on-and-off-screen partner ni Daniel Padilla.
But lately, nahahaluan ng “ka-showbiz-an” ang pagpaparamdam ni Alden kay Kathryn ngayong kumpirmadong tuloy na ang part 2 ng blockbuster movie nila na Hello, Love, Goodbye, ang Hello, Love, Again.
So, ang latest na pinagtsitsikahan sa socmed (social media) ay ang picture nina Kathryn and Alden during the despedida party ng brother ng ex-girlfriend ni Daniel.
Isang very reliable source ang nagkuwento sa amin na dumating ang brother ni Kath sa Pilipinas weeks ago. Nagtatrabaho bilang nurse sa New Zealand ang kuya ni Kath at pati na ang misis nito.
Ngayon lang ulit nakauwi at nakapagbakasyon sa bansa ang brother ni Kathryn after a long time. And any moment now, babalik (o baka nakabalik na?) na rin ito and his family sa New Zealand.
Anyway, bukod d'yan, may isa pang naging chika ang aming source at this time, may kaugnayan naman sa dahilan ng breakup nina Kathryn at Daniel.
Ayon sa same source, ‘di lang daw si Andrea Brillantes ang babaeng nabukelya ng kampo ni Kathryn na nagkaroon ng ugnayan kay Daniel. Not one, not two, but three!
Pero ang ‘di raw talaga kinaya ni Kathryn ay ang nalaman niya sa nangyari kina Andrea at Daniel.
Bagama’t nagkuwento na si Andrea sa ilang detalye kung bakit siya napadpad sa bahay ni Daniel, may ‘di pa raw sinasabi ang controversial Kapamilya star sa naging conversation nila ng ex-boyfriend ni Kathryn.
Nakita raw mismo ni Kathryn ang conversation nina Daniel at Andrea at lumabas na si Daniel daw talaga ang nagpu-push na magkita sila ng aktres.
Na-shocked-boogie raw si Kathryn at siyang nag-trigger para tuluyan nang makipaghiwalay kay Daniel.
And on Alden’s “panunuyo” naman daw kay Kathryn, mukhang pasado ang Kapuso actor sa pamilya ng ex-girlfriend ni Daniel. Nakita raw kasi ng kampo ni Kathryn na maalaga at close na close si Alden sa kanyang pamilya gaya rin ng aktres.





Comments