top of page
Search
  • BULGAR

Alam mo na, Kathryn? ALDEN, PROUD NA NEVER PANG NABASTED

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 7, 2024




Napanood namin ang vlog ni Nelson Canlas ng GMA Network, kung saan ka-one-on-one interview niya ang Pambansang Bae na si Alden Richards.


Marami silang mga personal na bagay na pinag-usapan pero naaliw kami sa sinabi ni Alden na never pa siyang nabasted ng babaeng kanyang nililigawan.


So, kung itutuloy ba niya ang panliligaw kay Kathryn Bernardo, malaki kaya ang pag-asa niya? Ang isa pang tanong ni Nelson Canlas kay Alden Richards ay kung nagkaroon ba ito ng TOTGA (The One That Got Away).


Agad namang umamin si Alden Richards na nagkaroon siya noon ng TOTGA na isa ring artista. So, malaking pahulaan sa lahat kung sino ang special girl na dating minahal ng Pambansang Bae, pero pinakawalan niya.


Alam namin kung sino ‘yung girl na TOTGA ni Alden. Ngunit, sa pagkakaalam namin ay masaya na ang girl sa bago niyang pag-ibig at hindi siya bitter kung mas pinili ni Alden Richards ang kanyang career kaysa sa kanilang relasyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page