ALAHAS AT LUPA, HININGING REGALO NI LUIS KAY VILMA PARA KAY BABY PEANUT
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 15, 2023

Maraming Vilmanians ang labis na natuwa sa ginawang paglalambing ni Luis Manzano sa kanyang Momshie Vilma Santos.
Dahil sa sobrang saya raw ng Star for All Seasons nang makita ang anak nina Jessy Mendiola at Luis, agad hiniling ng huli na regaluhan ni Momshie Vi ng lote at mamahaling hikaw si Baby Peanut. Tutal, si Isabella Rose ang una niyang apo, kaya marapat lang na bigyan ito ng regalo.
Well, for sure, kahit na hindi mag-demand si Luis sa kanyang Mommy Vi, maraming ipapamana ang first-time lola kay Baby Peanut.
Ganunpaman, nasabi na noon ng Star for All Seasons na hindi niya ii-spoiled ang kanyang unang apo. Ipauubaya pa rin niya kina Luis at Jessy ang pagdidisiplina kay Baby Peanut.
Napuri rin ni Ate Vi si Jessy nang malaman niyang nagbe-breastfeeding ito kay Baby Peanut.
Nagiging mas malusog kasi ang baby na pinabe-breastfeed ng mommy at mas nagiging malapit ang bonding ng mag-ina.





Comments