Ala-Melai at Maymay daw… SHUVEE, PINAG-AAGAWAN NG 3 SHOWS
- BULGAR

- Jul 18, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 18, 2025
Photo: Shuvee Etrata - IG
Tuwang-tuwa ang mga fans ni Shuvee Etrata dahil pinag-aagawan siya ng tatlong shows ngayon.
Nagkaroon ng masayang online kulitan ang mga shows na Unang Hirit (UH), It’s Showtime (IS) at Pinas Sarap (PS) tungkol kay Shuvee.
Unang nag-tweet ang UH at itinag ang IS tungkol sa pagge-guest ni Shuvee. Agad namang sumagot ang show at sinabayan pa ito ng biruan sa Facebook (FB). Sumali rin ang PS at naglabas pa ng poster para sa guesting ni Shuvee sa kanilang show.
Tila wala sa plano ang buong usapan dahil ayon sa social media manager ng UH, nagulat sila na sinagot ng IS ang tweet nila, at hindi nila inasahan ang ganitong “collab” online. Pero sa mga fans, isang treat ito—tatlong shows, isang muse, at isang maingay na timeline.
Si Shuvee ay isa sa mga housemates ng PBB. Nakilala siya bilang “Island Ate ng Cebu” charm. Mabilis siyang naging paborito ng mga fans dahil sa kanyang wit, authenticity, at entertaining presence.
Bagama’t hindi siya ang grand winner, masasabing isa siya sa pinakasikat na personalidad mula sa season nila.
Ipinagpapatuloy niya ngayon ang kanyang showbiz journey sa pamamagitan ng mga guestings, hosting stints, at viral social media presence.
Ikinukumpara rin si Shuvee sa mga kilalang personalidad na sina Maymay Entrata at Melai Cantiveros. Pero sa halip na ma-offend, tinanggap niya ito bilang constructive criticism at sinabi niyang proud siya sa kanyang journey at may tiwala siya sa sariling uniqueness.
Pagpapatunay lang ito ng kanyang maturity at pagpapakumbaba bilang bagong mukha sa industriya.
Samantala, sa isang episode ng IS, tinanong ni Vice Ganda si Shuvee kung sino ang ‘pinakamagaling” o pinakanakakatawang PBB batch’. Hindi lang kilig kundi halakhak ang dala ng interaction, na muling nagpatunay kung gaano ka-natural si Shuvee sa harap ng kamera at sa pagpapatawa. Nag-viral ang segment na ito at mas minahal ng madla si Shuvee Etrata.
NAGSAGUTAN sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas sa kani-kanilang Instagram (IG) account.
Ani Yilmaz, “Why are you still following my pictures? Thank you for liking it.”
Sagot ni Ruffa, “Because it’s the exact same photo you sent me. Check your messages please.”
Laughing face emoji ang reply ni Yilmaz, saka nagsabing, “Because I wanted to get your opinion before publishing it.”
Ang reaksiyon ng mga netizens sa palitan nila ng conversation:
“Kung hindi lang dahil sa jombagan issue, nakakakilig sana kayo, eh.”
Kaya kasi nagkahiwalay ang dating mag-asawa ay dahil battered wife umano si Ruffa.
Sey ng isang commenter, “Oo, nakakakilig nga sila. Kaso ‘yun nga ‘yung kuryente sa bathtub pati pagkulong sa cabinet, ang hirap nang kalimutan. Kung sa iba, never nang mag-uusap ‘yan. It seems Ruffa have really forgiven him kaso not forgotten ang mga ginawa n’ya.”
“2nd hand gossip naman ‘yang info at 19 kopong-kopong pa. ‘Di ka pa nag-heal that you keep mentioning it? For your info, it was a walk-in closet not a cabinet, so it is actually a big room. Next, you don’t know how electricity works, you think buhay pa si Ruffa if someone actually put live electricity sa wet bathtub ni Ruffa?”
“FYI (for your info) I’m not disputing walang abuse na nangyari kay Ruffa pero learn to question old chismis. No matter kinulong sa walk-in closet or sa palace, still an illegal detention. Pero ‘yung electrocuted sa wet bathtub, ‘di naman kapani-paniwala.”
“Oh no, don’t balik-balik to him or else he is gonna jombag-jombag (bugbog) you again.”
“Landian pa more. Baka nga they had the right love at the wrong time... nag-mature na rin siguro si Yilmaz and hindi na s’ya jombagero.”
“Nagbabago naman ang tao kaya kung may 2nd chance pa, why not? Malamang ang request ni Ruffa, sa ‘Pinas na lang sila tumira ni Yilmaz with matching mansion s’yempre. Lorin and Venice are the happiest if and when they get together again.”
“So cringe for a married man to get validation from his ex who he used to beat almost to death.”
‘Kaloka!






Comments