Search
  • BULGAR

Ala-John en Marsha kaya maganda raw…

JOHN, SURE NA 'DI MATUTULAD ANG SITCOM NILA NI ELLEN SA TINIGBAK NA SHOW NINA PIOLO AT MAJA SA TV5

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 22, 2021




Bilang aktor-producer ng bagong sitcom nila ni Ellen Adarna sa TV5, ang John en Ellen, confident si John Estrada na hindi ito matutulad sa nangyari sa Sunday Noontime Live nina Piolo Pascual at Maja Salvador na after 3 months ay bigla na lang nawala sa ere.


Bagama't aminado si John na may pressure na mag-hit ang sitcom, naniniwala raw siyang maganda ang chemistry nila ni Ellen bilang mag-asawang John at Ellen Kulantong, kaya maaaliw daw ang viewers.


Napanood namin ang teaser ng John en Ellen and in fairness, okay nga ang tambalan nila bilang mag-asawa. Kung 'di siguro pumutok ang issue ng pagkaka-link ni Ellen kay Derek Ramsay ay baka magkaroon pa ng malisya ang iba kina Ellen at John.


Samantala, tinanong naman namin si Ellen sa Zoom mediacon kahapon ng John en Ellen kung bakit tinanggap niya ang show samantalang may dialogue siyang 'pag 7 yrs. old na ng anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto siya magbabalik-showbiz?


Paliwanag niya, swak naman ang taping sked nila ng sitcom sa setup nila ngayon sa co-parenting ni JLC. Kapag may taping daw siya, kay Lloydie muna ang anak nila.


And when asked kung ano'ng priority niya ngayon — career or love life (remember, iniwan nila noon ni JLC ang Home Sweetie Home dahil in love sila?), aniya ay career naman, pero hindi raw niya masabi at kapag na-in love siya, eh, di go lang!


So, meaning, open pa rin si Ellen sa panibagong relationship at naka-move on na talaga sa nangyari sa kanila ni John Lloyd.


Anyway, sa Linggo (Jan. 24) na ang pilot episode ng John en Ellen na mapapanood sa TV5 at 7 PM. Mula ito sa direksiyon ni Willy Cuevas at kasama rin sa show sina Angelina Cruz at Yogo Singh bilang mga anak nila at sina Ronaldo Valdez at Long Mejia na kuwelang-kuwela sa Zoom presscon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.