top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ala-Jake Zyrus… CHAIR LIZA: ICE, MAGPAPATANGGAL DIN NG BOOBS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2022
3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 23, 2022



Kung marami ang nang-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya nang topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya. Isa na nga sa masasaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.


“I admire him and I laud him for celebrating his identity,” ani Liza nang makapanayam namin kahapon sa mediacon for the upcoming 6th Film Ambassador’s Night.

Personally ay nakaka-relate si Liza dahil nakita rin niya ang struggle ng mister niyang si Ice at alam niyang hindi ganu’n kadali.


“Personal kong na-experience sa asawa ko ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is. Kasi, kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, inirerespeto na natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung ‘pag gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.


“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice.


“So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy, kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat, suportahan natin siya, especially, nandito tayo sa industry na sa bansa natin, hindi pa rin ganu’n kaluwag at ka-open ang pagtingin sa mga transmen,” pahayag ni Liza.


Natanong namin si Chair Liza kung nasaan na bang stage ng transition si Ice. Inamin naman niya na may plano rin ang mister na magpa-breast removal surgery.


“'Yung usapang magte-testosterone (masculinizing hormone therapy) ba siya para sa transition, it’s being discussed, pero wala pa kami talaga ru'n. Pero ‘yung gusto niya ring magpa-surgery (breast removal), okay na kami ru’n. Pine-prepare na lang namin ang tamang budget para magawa namin,” ani Chair Liza.


“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka ma-inspire siya kay Jake. And I know that he’s very, very happy for Jake,” dagdag pa niya.


Samantala, paalis na lang si Chair Liza bilang FDCP head ay talaga namang sobrang sipag pa rin niya. Sa loob ng limang taon ay hindi talaga matatawaran ang mga nagawa niya sa movie industry.


Ngayon ay busy naman siya sa 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa Feb. 27, 2022 sa Metropolitan Theater.


Sa nasabing mediacon ay inanunsiyo ng FDCP ang mga pangalan ng mga tatanggap ng mga espesyal na parangal — ang Camera Obscura Artistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award.


Igagawad kay John Arcilla ang Camera Obscura Artistic Excellence Award para sa pelikulang On The Job: The Missing 8. Ang naturang parangal ay pinakamataas na pagpupugay na ipagkakaloob ng FDCP sa mga film workers o proyekto na nagpamalas ng bukod-tanging husay at umani ng tagumpay sa labas ng bansa noong 2021.


Ipagkakaloob naman ang Gabay ng Industriya Awards sa mahusay na aktres na si Rosa Rosal (Ilaw ng Industriya) at dating producer na si Jesse Ejercito (Haligi ng Industriya).


Bukod dito, pararangalan din sa Film Ambassadors’ Night 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinilala sa iba’t ibang international film festivals noong nakalipas na taon.


Ang taunang Film Ambassadors’ Night, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay isang gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng mga film workers na sinimulan noong 2016.


Dahil sa pandemya, ginawang virtual ang pagtitipon last year. Ang selebrasyon ngayong taon ay nagbabalik bilang isang eksklusibong in-person event para sa mga honorees.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page