Ala-Angel at Neil... MARIEL AT ROBIN, 12 YRS. NANG KASAL, WA' PA RING WEDDING RING
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 16, 2022

Last Valentine's Day lang natanggap ni Angel Locsin ang kanyang wedding ring. Ipinost ni Angel ang sorpresang singsing na ibinigay ng mister niyang si Neil Arce.
Kung matatandaan, wala kasing nakahandang wedding ring ang celebrity couple nang magpa-civil wedding sila last July, 2021.
At dahil sa post ni Angel, aba, kumuda rin itong misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez na wala rin daw silang wedding ring ni Binoe nu'ng sila'y ikinasal.
Halos 12 taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Mariel at Robin, pero wala pa ring suot na wedding ring ang dating TV host.
Komento ni Mariel sa Instagram post ni Angel, "Kami mag-12 years, wala kaming wedding ring pa rin, Mars. Hehehe! Happy Anniversary."
Sinagot naman siya ni Angel at sinabihang singilin si Robin.
Tawang-tawa daw sina Angel at Neil sa komento ni Mariel.
May nagtaka naman kung paano nangyari 'yun, eh, isa sa pinakamahalagang bagay ang singsing sa isang kasalan.
"How do you get married without a ring? I thought that’s the main thing you need first? No hate po, just asking."





Comments