Ala-Alden… KEN, MAS PINILI ANG CAREER KESA KAY RITA KAYA NAGHIWALAY
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 28, 2023

Tulad ni Alden Richards na umaming mas pinili niya ang kanyang career kesa sa kanyang love life nang i-give up niya ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose, ganito rin ang ginawa ng Kapuso actor na si Ken Chan.
Ito ay kanyang inamin nang mag-guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda. Naging ka-love team niya ang singer-actress na si Rita Daniela at nagkasama sila sa ilang serye ng GMA-7.
Dito na-develop ang special feelings niya kay Rita Daniela. Minahal niya ito pero kailangang i-give-up din.
At that time, priority ni Ken Chan ang kanyang career at kailangan niyang tutukan ang mga negosyong kanyang itinayo kaya naudlot ang seryoso sanang relasyon nila ni Rita.
Aminado si Ken na nasaktan niya ang damdamin ng kanyang ka-love team. Hanggang sa hindi na muna sila nagtambal. Tuluyan nang nabuwag ang tambalang RitKen.
At 'yun na nga, napabalita na lang na may karelasyong non-showbiz guy si Rita Daniela at ito ang ama ng kanyang anak.
Ganunpaman, kahit hindi na sila screen partners, nananatiling good friends sina Ken Chan at Rita Daniela. Kapag may libreng oras ay dinadalaw ni Ken si Rita at ang anak nito upang mangumusta.
Sa ngayon ay wala pa ring balak si Ken Chan na makipagrelasyon. Sa dami ng kanyang obligasyon sa kanyang negosyo ay naisasakripisyo ni Ken ang kanyang love life.





Comments