Aktres, umatras sa 3 kondisyon ng pamilya ng fiance… KASAL NINA BEA AT VINCENT SA SPAIN, ‘DI NA TULOY!
- BULGAR

- May 9
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 9, 2026

Photo: File / Circulated
Shookt kami at siyempre ay nalungkot sa nakarating sa aming chika na hindi na raw matutuloy ang kasalang Bea Alonzo-Vincent Co na unang napabalitang sa Spain gagawin sa May 16.
Ilang tulog na lang sana ay magiging Mrs. Co na si Bea, pero bigla nga raw itong umatras sa kasal, kaya kahit ‘yung mga invited guests ay naloka rin at nanghinayang dahil naka-ready na ang kanilang mga susuotin.
Base sa kuwento ng aming source nang tanungin namin kung ano’ng mabigat na dahilan ng pag-atras ni Bea sa kasal, tatlong bagay daw ang inayawan nito.
‘Yung unang kondisyon daw kasi ng pamilya ni Vincent, kailangang may prenuptial agreement sila ni Bea.
Okay naman daw sana ‘yun sa aktres dahil nu’ng time na ma-engaged sila ni Dominic Roque – pero hindi nga rin natuloy – ang kampo naman daw ni Bea ang humirit ng prenup.
Ang second and third condition daw na nakalagay sa prenup ang inalmahan at hindi matanggap ni Bea.
Chika kasi ng source, ang gusto raw ng pamilya ni Vincent ay sa bahay nila sa isang posh subdivision sa Makati tumira sina Bea at Vincent kapag kasal na.
Bukod dito, nasa terms and condition din daw na sakaling mag-away at maghiwalay ang mag-asawa, kay Vincent dapat mapunta ang custody ng kanilang mga anak at hindi kay Bea.
Siyempre ay naloka rin kami sa chika ng aming source at kung totoo nga ‘yun, eh, gets namin si Bea kung hindi man siya pumayag.
Pero siyempre, dapat din nating intindihin na Chinese ang pamilya ni Vincent at iba ang kultura nila sa ating mga Pinoy. Baka rin may malalim silang dahilan at naninigurado lang dahil hindi naman sila simpleng tao lang, hellooo, bilyonaryo sila!
Well, siyempre ay nakakalungkot ito at wish nating maayos pa ang mga ‘di pagkakaintindihan.
Besides, kung mahal talaga nila ang isa’t isa, for sure ay makakahanap sila ng tamang paraan at solusyon sa kanilang problema.
Sa ngayon, ipag-pray na lang nating maging fair sa both parties anuman ang magiging desisyon nila.
Game mag-ninong sa kasal?
IAN, HAPPY PARA KINA DANIEL AT KAILA
FIRST time ni Ian Veneracion na gumanap sa role na pari na nagkukupkop sa mga drug addict sa crime series na Drug War: A Conspiracy of Silence.
Ang magandang kuwento at ang challenging role niya as Father Tom ang dahilan kaya na-enjoy ng magaling at guwapo pa ring aktor ang kanyang mga eksena sa DWACOS.
Importante kay Ian na laging maganda ang role at ang project dahil may natututunan daw siya na nakakadagdag sa kanyang kaalaman at nagpapabago sa kanyang mga pananaw sa buhay.
Wala man daw siyang background about drug use dahil never siyang gumamit o nag-try nito nu’ng kanyang kabataan, sobrang apektado pa rin siya sa kuwento ng Drug War kung saan sa ginanap na sneak peek ng first episode nito, nag-flashback nga raw sa kanya ang mga ginawa nilang eksena at ang naging impact nito sa kanyang pagkatao.
Tuwang-tuwa naman si Ian sa positive feedback ng press sa kanilang crime series na mula sa direksiyon ni Direk Shugo Praico.
Agree rin siya sa mga papuri ng press people sa co-star niyang si Harvey Bautista na talaga namang umangat ang acting sa Drug War. Impressed si Ian sa galing umarte ni Harvey na talaga raw kinarir ang character at hindi kinakitaan ng mga pag-aalinlangan sa kanyang acting.
Samantala, kinumusta rin ng press kay Ian kung nagkikita pa sila ng mga co-stars niya sa Incognito tulad nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Kaila Estrada at Baron Geisler.
Inamin ng aktor na tuluy-tuloy pa rin naman ang communication nila at aminadong nabitin siya sa Incognito kaya wish din niyang may part 2 pa ito.
Hiningi namin ang reaksiyon ni Ian sa pagiging open na ngayon nina Kaila at Daniel sa kanilang relasyon, dahil for sure, witness siya kung paano na-develop sa Incognito ang pagmamahalan ng dalawa niyang co-stars.
“Whatever direction they want to take, I love them both. They’re very good people and I’m sure they will find happiness wherever,” sagot nito.
At sa tanong namin kung ready ba siyang mag-ninong sakaling mag-decide nang magpakasal ang dalawa, nakangiting pabirong pag-iwas ni Ian, “Thank you for watching Drug War, thank you.”
Hahaha! But in fairness to Ian, ang sarap niyang kausap at ang saya ng aming chikahan dahil game niyang sinagot lahat ng tanong ng press.
Anyway, bukod kina Ian at Harvey, kasama rin sa cast ng Drug War na produced ng Rein Entertainment at K Global Media sina Romnick Sarmenta, Joem Bascon, Jane Oineza, Ms. Yayo Aguila, Alex Medina at marami pang iba.
Sa streaming platform daw ito ipapalabas pero sa ngayon ay wala pang definite kung saan kaya abangan na lang.





Comments