top of page
Search

Aktres, umamin sa problema sa kanya… IVANA, 'DI PINIGILAN NI COCO NANG MAG-RESIGN SA BATANG QUIAPO

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary| August 3, 2024


Showbiz News
Photo: Ivana Alawi / FB

Nilinaw ni Ivana Alawi ang espekulasyon ng mga netizens kung bakit siya nag-exit sa Batang Quiapo (BQ). Nilinaw niya na hindi totoo ang tsismis na umaalis siya ng taping nang hindi pa tapos. Wala rin umano siyang attitude problem tulad ng nababalita. 


Pabiro nga niyang sabi sa kanyang interbyu with ABS-CBN, “Isa sa mga problema siguro ay ang aking mukha kapag hindi ako nakangiti, mukhang may attitude ako.”


Ipinaliwanag din niya na alam niya ang mataas na gastos ng produksiyon kaya kahit lumagpas pa siya ng oras, wala siyang reklamo at handang magpatuloy. 


Samantala, naiintindihan umano ni Coco Martin ang kanyang resignation at pinagkatiwalaan niya ito sa pagdedesisyon sa kanyang pamamaalam sa kanyang karakter.


Nang tanungin kung paano tinanggap ni Coco ang kanyang resignation, sinabi ni Ivana na naintindihan ito ni Direk Coco dahil sa kanyang karanasan bilang artista at direktor. 


Ayon kay Ivana, alam ni Coco ang pakiramdam ng pagkakaroon ng maraming responsibilidad at trabaho. Ikinuwento rin niya na tinanong siya ni Tita Cory Vidanes tungkol sa kanyang death scene. 


Well, ang lawak talaga ng imahinasyon ni Coco. Imagine, ang haba ng finale ni Ivana sa naturang serye. 


Talagang itinutok ni Coco ang isang linggong eksena sa karakter ni Ivana na si ‘Bubbles’ kung paano siya namatay hanggang sa ilagay siya sa kabaong para paglamayan. 


Marami ngang mga netizens ang nanghihinayang sa pagkawala ng karakter ni Ivana. Tanong tuloy nila, sino raw ba talaga ang magiging leading lady ni Coco? 


Si Arabella (anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao) raw ba na apo ni Betina na karakter ni Tessie Tomas o ang pumasok na karakter ni Kim Domingo bilang si Madonna? 


 

Tuloy na tuloy na ang pagsasanib-puwersa nina Bossing Vic Sotto at Papa P (Piolo Pascual) para sa kanilang MMFF entry na The Kingdom. Naglabas na ang APT Entertainment ng mga larawan nina Bossing at Papa P sa kanilang social media kasama ang ilang cast. Kuha ang larawan nang mag-story conference ang grupo. 


Tatlong production ang magkatuwang sa pagpo-produce ng MMFF 2024 entry ng dalawang malalaking artista sa showbiz — ang MZet TV Productions, MQuest Ventures, Inc. at APT Entertainment, Inc. 


Sa larawan ay may napansin ang isang mapanuring mata ng netizen kay Papa P. 


Sey nito, “Bakit parang nag-iba ang hitsura ni Papa P?”


Sabi naman ng isa, “Sa edad ni Bossing (Vic), sana ay makagawa naman s’ya ng makabuluhang pelikula talaga. Hindi naman porke't comedian, hindi na makakagawa ng quality films, ‘yung mga ganu’n man lang sana sa Ang Tatay Kong Nanay Ni Mang Dolphy o ‘yung episode ni Chiquito sa Lovingly Yours, Helen.”


Tanong naman ng isang netizen, “Why Papa P, why?”


Ang sagot ng iba pang netizens, “Wow, ang bongga, may budget sa script reading pa lang.”

“My crush Sid Lucero ang guwapo at fresh, kinabog si Piolo. LOL (laugh out loud).”


“Grabe si Piolo, ageless!”


“Maganda raw ang story, epic Philippine drama. Tungkol sa kung ano ang Pilipinas, kung ‘di sinakop ng mga Kastila and not named as the Philippines.”


“Buti naiba naman ang kasama ni Bossing. Hindi ‘yung puro taga-EB! (Eat… Bulaga!).”


“Ano'ng premise ng entry nila? May nakakaalam po ba rito? Comedy ba o drama ba itey? Sana, ibang-iba sa Enteng ni Bossing. Gulatin sana tayo sa kalidad ng kuwento at production, anniversary pa man din ng MMFF.”


“Puwede bang Vico Sotto and Piolo Pascual na lang?"





0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page