Aktres, todo-sigaw na miss na miss na ang BF... NETIZEN KAY JULIA: ‘DI KA NAMAN NAMI-MISS NI GERALD
- BULGAR
- Sep 27, 2021
- 1 min read
Updated: Sep 28, 2021
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 27, 2021

Sa Instagram Stories ni Julia Barretto, nakasulat doon na sobrang nami-miss na niya ang boyfriend na si Gerald Anderson na nasa Vienna, Austria ngayon para sa shooting ng movie nitong To Russia with Love.
May mahaderang netizen ang nagkomento sa post ng young actress.
“I don’t think he misses you, dear,” ani ng netizen.
Sambit naman ng isa, “Julia, ‘pag nagkita kayo uli ni Ge, mukha na siyang tito mo.”
May nagsasabi namang, “Kabahan ka na, Julia!”
“Patawad, pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ‘yung time na todo-deny sila!”
“Nako, Julia, ang daming fresh at young sa Austria.”
“‘Di ko sila gusto (hate ko pa nga, HAHA!) pero give ko na sa kanya 'to. ‘Wag na natin silang bigyan ng atensiyon na ‘di nila deserve. Sana, forever na kayo. Lol! K, bye!”








Comments