Aktres, todo-enjoy sa career… ENRIQUE, MALABO NANG BALIKAN PA NI LIZA
ni Nitz Miralles @Bida | March 6, 2023

Black and white ang photos na ipino-post ni Liza Soberano sa kanyang Instagram. Pa-vintage effect daw ito at ang caption niya sa latest post niya ay “Where to next?” kung saan marami ang sumagot.
Isa na rito si Enrique Gil na fire emoji lang ang comment pero ang daming reaction/comments.
Nami-miss na ng mga fans ang LizQuen, kaya lang, parang ang labo na magka-project sila ngayon.
Mapapansin na marami na ang tumatawag ng “Hope” kay Liza na ang ibig sabihin, tanggap at suportado nila ang pagbabagong gustong tahakin ni Liza o ni Hope.
Marami pa rin ang nagpahayag na kahit anong pangalan ang gamitin ni Liza, tatanggapin nila dahil mahal nila ito.





Comments