Aktres, the best time raw ‘pag kasama ang aktor… JERICHO AT JANINE, SUPER HAPPY NA 1 YR. NANG MAGDYOWA
- BULGAR
- 3 days ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 9, 2025

Photo: Jericho at Janine Gutierrez - IG
Nag-celebrate sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ng kanilang first anniversary.
Oh, ‘di ba, parang kailan lang ay pinagpipiyestahan ng mga netizens ang “getting-to-know each other” stage nila dahil first time nilang nagsama noon sa teleseryeng Lavender Fields (LF).
Si Echo ang nag-imbita kay Janine, kung saan sa pamamagitan ng pagkakape sila nakapag-usap nang halos 6 o 8 oras.
Nag-post ang aktor sa kanyang social media kung saan ibinahagi niya ang isang reel mula sa kanilang beach trip, na nagpapakita ng kanilang masasayang sandali na magkasama.
Very sweet ang caption na isinulat ni Echo, “Isang taon at isang araw sa isang ito.”
Kinikilig namang sumagot ang aktres, “Hahaha, baba! The best time with you! Happy anniversary, I love youuuuu.”
Nakiisa rin sa selebrasyon ang mga kaibigan at tagasuporta ng celebrity couple sa comment section. Bumuhos ang heart emojis, tanda ng kanilang pagbati.
Ang EchoNine ay nanatiling lowkey sa kanilang relasyon, pero ipinakita nila ang clip ng kanilang masayang beach trip sa espesyal nilang okasyon.
Muling naka-bonding ni Bea Borres ang dalawang content creators na malapit sa kanya. Isa rito ay si Mommy Toni “Oni” Fowler na nag-usisa kung bakit hindi siya imbitado sa gender reveal ng anak ni Bea.
Ang isa pa nilang kasama na si Ivana Alawi ay nagulat sa naitanong ni Toni.
Kahit pala kasi si Alex Gonzaga ay hindi rin naimbitahan.
Sa kabila nito, paglilinaw ni Toni, wala siyang sama ng loob sa kaibigan.
“Okay lang, ano ka ba? Naintindihan kita. Kasi gusto ni Bea B, lahat ng ano n’ya (bisita) nu’n, petite. Close tayo, ano ka ba, ‘di sasama ang loob ko sa ganu’n. Pero maraming nagtataka, bakit wala raw kami ni Alex?” muling apela ni Toni.
Hindi naman agad nakasagot si Bea sa nasabing tanong na kalauna’y nag-sorry sa kanyang Mommy Oni.
Matatandaang sa bahay mismo ni Toni unang nag-PT (pregnancy test) si Bea kung saan kasama nila si Alex at doon nakumpirma ang kanyang pagdadalantao.
Kaugnay nito, nagbigay pa ng payo si Toni kay Bea na sana ay mas limitado ang naging bisita sa gender reveal celebration.
“Nu’ng pumayag ka na mag-PT sa bahay ko, du’n pa lang, importante na ako. Ramdam na ramdam ko na hindi ko na kailangan ng mga gender reveal, baby shower o panganganak mo,” pahayag ni Mommy Oni.
Sa kabila ng isyung ito, nanatiling masaya at magaan ang samahan ng tatlo, patunay ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.
‘Yun naman pala, hindi naman nagtatampo si Mommy Oni at pabiro naman niyang tinanong si Bea.
Anyway, mapapanood ang usapang ito sa vlog ni Ivana Alawi.
Comments