top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

Aktres, tameme sa paninira ng kampo raw ni Vincent… BEA, BINITAWAN NA NG MANAGE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 23, 2026



WINNER - BEA, BINITAWAN NA NG MANAGER_IG _beaalonzo & FB Circulated

Photo: IG _beaalonzo & FB Circulated



Nagbitiw na si Shirley Kuan bilang manager ni Bea Alonzo. ‘Yan ang tsika sa amin ng mga malalapit kay Shirley.


Ayon sa aming source, binitiwan niya si Bea dahil sa walang puknat na paninira sa kanya mula sa kampo ng mister ng aktres na si Vincent Co.

Pinagbibintangan daw kasi si Shirley na siya ang nagpa-cancel ng kasal kaya hindi natuloy.


Nang tinanong naman daw siya ng aming source nang lumabas ang intriga sa kanya, ang sagot daw niya ay nangako siya kay Bea na hindi na siya magsasalita dahil nakiusap ang aktres sa kanya. Tapos, nang natuloy ang secret wedding, si

Shirley pa rin daw ang ginawang kontrabida at sinisiraan. 


Well, natuloy daw ang kasalan dahil hindi na nakialam si Shirley.

Sa kabila raw ng pananahimik niya, kung anu-ano raw ang nakakarating sa kanila na mga paninira. Nagtataka naman ang aming source at ibang taga-showbiz na kaibigan ni Shirley na sa kabila ng panggigisa sa kanya ay nananatiling tahimik si Bea.


Obserbasyon ng mga taga-showbiz, bakit hindi ipinagtanggol ng aktres ang manager? For sure naman, alam daw ni Bea ang totoo.


Humanga raw ang mga malalapit na kaibigan ni Shirley sa tapang at tibay ng loob niya sa mga panlalait sa kanya.


Payo pa ng aming source, mas mabuting hintayin na lang na magsalita si Shirley at sigurado, magsasabi ‘yan nang totoo.


Sa true lang, matagal na naming kilala si Shirley sa loob ng tatlong dekada namin sa showbiz at ni minsan ay wala kaming narinig na negative issue at nasangkot siya sa mga iskandalo.


Pero kapag naman nadawit ang name niya at siniraan siya, kwidaw ang mga nambabatikos sa kanya. Palaban, matalino at very professional niyang haharapin ang mga isyung ibinabato sa kanya.


Samantala, bago bitiwan ni Shirley ang career ni Bea, nauna na palang tsinugi ng aktres ang kanyang handler na si Nina Ferrer.


May mga kapwa-handlers din kasi si Nina na kakilala namin ang nakapagtsika nito.


At bagaman tsinugi, maayos naman daw ang pag-aabiso ni Nina sa mga nag-i-inquire for Bea.





Nag-iisa pa naman…

LEA, NAIYAK NA INIWAN NA NG ANAK



EMOSYONAL na naghiwalay ang mag-inang sina Lea Salonga at Nic Chien. Nagkaiyakan sila habang magkayakap as they bid farewell to each other.


Inihatid ni Lea ang kanyang nag-iisang anak sa kolehiyo at dormitoryo ng papasukan nitong eskuwelahan abroad. Tinulungan niya si Nic sa paglilipat ng kanyang gamit.

Ibinahagi ni Lea sa kanyang Instagram (IG) account ang mga larawan at video habang sakay ng sasakyang naghatid sa kanila sa kolehiyo na pinasukan ng anak. 


“My babes is now officially moved into his dorm. This new adventure has begun in earnest. It was definitely an emotional few days for us, but we’ll be okay. Many thanks to @victorlirio for driving the long drive, schlepping all the things, and treating me to a much-needed espresso martini when we returned to the city,” paglalahad ni Lea.


Proud daw si Lea sa ginawang desisyon ni Nic.

Sabi pa ni Lea sa dulo ng kanyang mensahe sa caption, “Onward and upward, Nic Chien. We’re all so proud of you!”


Mag-aaral ito sa Ithaca College (IC) sa New York para kumuha ng kurso sa acting.

Ramdam naman ng mga followers and celebrity friends sa IG ni Lea ang kanyang nararamdaman.


Reaksiyon ni Martin Nievera, “These are the growing pains of a parent. Nic is on his way to his own walk of fame and we are all here cheering in the front row. Our children will make us proud! Take it from this martini!”


Sey ni Eugene Domingo, “All the best!”


“Awwww! All the best @nicchien.official,” mula kay Marina Summers.

Go, Nic!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page