top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Aktres, shocked… KLEA, SINORPRESA SI JANELLA NG BOUQUET OF FLOWERS

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 17, 2026



BULGARY - KLEA, SINORPRESA SI JANELLA NG BOUQUET OF FLOWERS_IG _kleapineda

Photo: IG _kleapineda



Hindi pinalampas ng aktres na si Klea Pineda ang espesyal na milestone sa career ng singer-aktres na si Janella Salvador nang sorpresahin niya ito ng isang malaking bouquet matapos ang theatrical debut ng aktres na The Art of Breaking Up.


Kitang-kita ang pagkagulat ng aktres nang mapansin si Klea na naghihintay sa gilid ng entablado habang tangan ang bouquet na may pulang ribbon.


Napahawak pa sa bibig si Janella bago tanggapin ang mga bulaklak.


Ibinahagi ng Teatro Kapamilya sa Instagram (IG) ang video ng sweet gesture na agad umani ng reaksiyon mula sa mga netizens at theatergoers.


Caption sa post, “Klea Pineda surprises Janella Salvador with her love and support on her theatrical debut! Kahit puno ng hugot at heartbreak ang The Art of Breaking Up, may mga moments pa ring siguradong magpapangiti sa ‘yo!”


Nag-like rin si Janella sa naturang IG reel.

Ang The Art of Breaking Up ay mula sa ABS-CBN Studios, Star Magic, Teatro Kapamilya at Philippine Educational Theater Association (PETA) Plus. Isinulat ito ni George de Jesus III at idinirehe ni Dudz Teraña.


Nagsimulang mapanood ang dula sa PETA Theater Center noong Nobyembre 6 at mapapanood hanggang Disyembre 6.





Tulad ng Ate Danica… ANAK NINA VIC AT PAULEEN NA SI TALI, GAGANDA RIN DAW PAGLAKI



Bata pa lang ang anak nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto ay nabu-bully na ng mga bashers dahil hindi umano gaanong kagandahan. 


Pero marami ang naniniwalang magiging isang magandang dalaga si Tali dahil nakikita na raw ang taglay nitong charm at mga katangiang namana sa kanyang mga magulang.


Muling napag-usapan ang pisikal na kaanyuan ng bagets nang may mag-post ng dalawang larawan niya sa Threads (@) na may caption na: “Si Tali Sotto, magiging isang beautiful princess ng mga Sotto someday kasi nakikita naman habang lumalaki s’ya. She is becoming a beautiful lady, ‘di ba, guys?”


May mga netizens na nagsabing mas lalong lilitaw ang natural beauty ni Tali sa kanyang pagdadalaga, gaya na lamang ng nangyari kay Danica Sotto na nagkaroon din ng malaking transformation habang lumalaki.


May ilan namang nagkomento tungkol sa posibilidad na paggamit niya ng skincare at beauty maintenance kapag dalaga na ito.


Sa dalawang larawang ipinost, may nakapansin na tila AI-enhanced (artificial intelligence) ang isa sa mga kumakalat na larawan ni Tali.


Panawagan ng mga netizens, tigilan ang paghusga sa pisikal na anyo ng anak nina Bossing Vic at Pauleen dahil bata pa ito at hindi dapat ikulong sa pamantayan ng lipunan tungkol sa kagandahan.


Mas mahalaga raw na lumaki si Tali na may mabuting kalooban, magandang edukasyon at kumpiyansa sa sarili. Mas magandang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral, talento at mga interes kaysa ang magiging hitsura niya paglaki.


Para naman sa iba, maganda na si Tali sa sarili niyang paraan at taglay niya ang kombinasyon ng aura ng kanyang mga magulang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page