top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Aktres, piniktyuran, ikinalat pa sa socmed… DOLLY: WALANG MASAMA SA PAGBE-VAPE NI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 6, 2023



Dinepensahan ni Dolly de Leon si Kathryn Bernardo sa kontrobersiyal na pagbe-vape nito na nakunan ng video ng isang netizen.


Paliwanag ng beteranang aktres, may eksena raw talaga si Kath na kailangan niyang mag-vape kaya nagpapraktis daw ito.


Ani ng Pinay international actress, “Dahil meron po siyang eksena na magbe-vape po talaga siya.


At may eksena rin ako na magsisigarilyo ako. Kaya pinapraktis niya kung paano gamitin ‘yung vape. ‘Yun po ‘yung nangyari talaga ru’n.”


Ipinaalala pa niya na maituturing umanong bawal ang ginawa ng netizen na pagkuha ng video para mai-post online.


“Unfortunately, spoiler, dahil nga po may tao ru’n. Actually, bawal po ‘yun, eh. ‘Yung mga nagpi-picture habang nagsu-shoot, bawal po talaga. Kung gusto nilang mag-picture, sana, hindi na lang nila ipinost.”


Kung gumagamit nga nito ang aktres sa totoong buhay, wala raw siyang nakikitang masama dahil nasa wastong edad na ang aktres.


Sina Dolly at Kath ay bibida sa pelikulang A Very Good Girl na ipapalabas na sa September in theaters nationwide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page