top of page

Aktres, para komportable sa kissing scenes… DINGDONG, GAGANAP NA KABIT NI MARIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 16, 2026



Dingdong Dantes at Marian Rivera - Instagram

Photo: Dingdong Dantes at Marian Rivera - Instagram



Nag-suggest ang mga fans ni Marian Rivera kung sinong aktor ang puwedeng gumanap na presidente ng Pilipinas na magiging kabit ng karakter niya sa GMA at Prime Video series na Behind Closed Doors (BCD)


Nabasa namin ang mga pangalan nina Richard Gomez, Raymond Bagatsing, Tonton Gutierrez, Ian Veneracion, Richard Yap, Gardo Versoza at John Arcilla na kabilang sa mga suggestions.


Kaya lang, may napili na pala ang GMA at ang napili nila ay ang asawa ni Marian na si Dingdong Dantes, which is a wise and right choice. 


May illicit relationship ang kanilang mga karakter, mistress si Marian at ibig sabihin, may mga kissing scenes ito. Baka may slight love scene pa para ipakita ang kanilang relasyon.


Magiging komportable nga naman si Marian na makipag-kissing scene kung si Dingdong ang makakaeksena. Special participation si Dingdong sa series at ipinaalam nang his character as the country’s president will be assassinated. 


Kasunod ng assassination, mabubuking ang relasyon ng presidente at ni Marian na gaganap na isang hard-hitting radio journalist.


Excited na ang mga fans ni Marian at ang DongYan fans na mapanood ang BCD na will be streamed first on Prime Video PH bago ang airing sa GMA-7. Si Dominic Zapata ang director nito na director din ni Dingdong sa The Master Cutter (TMC).


Kasama rin sa cast si Jillian Ward na gaganap na anak ni Dingdong at magkakabanggaan sila ni Marian. Inaabangan din ang mga eksena nina Marian at Jillian na magiging labanan din daw ng face card dahil pareho silang magaganda.


“Walang dahilan para mag-no for this project, kasi ang off-beat n’ya para sa akin,” sagot ito ni Marian nang tanungin why she accepted the project.


Wala pang nabanggit na schedule kung kailan magsisimula ang taping ni Marian. 

Habang naghihintay ang mga fans, panoorin muna nila si Marian Rivera sa Stars On The Floor (SOTF). Isa siya sa mga judges ng dance reality search at minsan, sumasayaw din.





HINDI na lang sa pagiging aktor mapapanood si Miguel Tanfelix dahil susubukan ng GMA ang pagiging versatile niya by giving him a hosting assignment. 


Ang aktor ang host ng travel TV show ng Kapuso Network na Planet XP (PXP) na sa May 2 na ang pilot episode at mapapanood every Saturday.


Bagay kay Miguel ang maging host ng travel show dahil mahilig siyang mag-travel at sa last travel nga niya sa Argentina, ang ganda ng kanyang pagkakalatag sa mga pinuntahang lugar.


Nakasulat ang intro kay Miguel na, “Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix is now entering his solo hosting era, as he banners the magazine infotainment special Planet XP, beginning May 2.”


Napanood namin ang teaser ng show at maganda siya, maraming matututunan ang viewers sa mga lugar na kanyang pinuntahan. Mapapasabi ka ng “Ang ganda ng Pilipinas.”


And speaking of Miguel, isa siya sa mga bida sa bagong action series ng GMA na Firewall. Iba ang image niya rito, may bigote at nagpalaki ng katawan. ‘Buff Miguel’ ang tawag sa kanya ng mga fans dahil nagka-muscles daw at mas gumuwapo.





May libreng pakain daw sa 1st death anniv ng ina… IAN: LAHAT NG GUSTONG PUMUNTA KAY NORA, WELCOME



FIRST death anniversary ni Nora Aunor ngayong araw at bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, siguradong dadalaw sa puntod ng Superstar sa Libingan ng mga Bayani ang mga Noranians. 


In fairness to them, hindi nila nakakalimutang bisitahin ang puntod ni Nora, lalo na ngayong araw.


Dahil nabalitang may konting isyu ang mga anak ni Nora, inaabangan kung magiging kumpleto ba sila sa death anniversary ng kanilang ina. Magkita-kita kaya sina Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth at Ian de Leon sa puntod ng Superstar?


Wish ng mga Noranians, makita nilang kumpleto ang magkakapatid.

Sa isang interview kay Ian, nabanggit na welcome ang lahat na dumalaw sa puntod ng ina. May breakfast, lunch at merienda raw na nakahanda na pagsasaluhan ng mga pupunta. 


Si Ian pala ay kinilalang sole and legal heir ni Nora, pero may sinabi itong ikinatuwa ng mga Noranians at nagmamahal sa mga anak ng Superstar.


“My responsibility here does not exclude them or erase them from any family relationship,” sabi ni Ian sa interview ni Rico Hizon sa ANC program nitong Beyond The Exchange (BTE).



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page