Aktres, pangatlo na raw, Kathryn… DANIEL-ANDREA, MATAGAL NA!
ni Julie Bonifacio @Winner | November 18, 2023

Tumitindi ang usaping hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pero nananatiling tahimik pa rin ang aktres.
Pero imbes na magmukmok, mukhang naka-move on na si Kathryn. Ang saya-saya niya kasi sa mga pictures na lumabas sa Instagram niya sa ginanap na victory/thanksgiving party para sa success ng A Very Good Girl.
Pero kita rin talaga ang laki ng ipinayat ng katawan ni Kathryn ngayon.
Sabi nga ng mga Marites, papayat ka talaga kapag love life ang problema lalo pa’t ang tagal-tagal na ng relasyon n’yo, tapos mababalitaan mo pa na matagal na palang nambababae ang dyowa mo behind your back.
Although, noon pa naman ay natsitsismis na si Daniel sa ibang babae. At kung hindi kami nagkakamali, pangatlo na si Andrea Brillantes. Una ‘yung non-showbiz girl, at pangalawa si Barbie Imperial.
Pero ayon sa aming source na isang kilalang celebrity na close kay Andrea ngayon, matagal na raw na nagkaroon ng “special friendship” ang ex ni Ricci Rivero kay Daniel. Kaya nagtataka ang aming source kung bakit ngayon lang lumabas ang tsika kina Daniel at Andrea.
Bago pa man daw naging boyfriend ni Andrea si Ricci, close na ang Kapamilya teen star kay Daniel.
Ganoon?!





Comments