top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Aktres, nauntog nang magkaanak na… MARKUS, LASENGGO RAW KAYA HINIWALAYAN NI JANELLA

  • BULGAR
  • Jun 23, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 23, 2022




Ang pagiging lasenggo o alcoholic diumano ng aktor na si Markus Paterson ang dahilan kaya nababalitang hiwalay na sila ngayon ni Janella Salvador matapos silang magkaroon ng isang anak.


Hiwalay, pero magkasama pa rin daw sa iisang bahay sina Janella at Markus. Ano'ng klaseng setup ang ganitong relasyon?


Tuluyan na kayang nagising si Janella at na-realize na hindi sapat ang pag-ibig lang para mabuhay lalo na't may anak siyang dapat na itaguyod?


Ipinagpalit noon ni Janella ang kanyang career nang ma-in love kay Markus. Nasa height na noon ang career ni Janella at magagandang projects ang ibinibigay sa kanya ng Regal Films. May mga product endorsements na rin siya that time. Pero, nang dahil sa pag-ibig ay sinayang at pinakawalan ni Janella ang mga oportunidad na dumating sa kanyang buhay.


Ngayon, makabalik man siyang muli, hindi na ganu'n katindi ang impact niya sa publiko. Nanay na kasi si Janella. Hindi na pang-leading lady ang ibibigay sa kanyang role!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page