Aktres, nagpa-tattoo ng dragon…NETIZEN KAY NADINE: PAG-AARI NA NG DEMONYO ANG KALULUWA MO!
ni Nitz Miralles - @Bida | January 31, 2022

Umalma ang mga fans ni Nadine Lustre sa comment ng isang netizen sa bagong tattoo ng aktres na isang malaking dragon.
Sabi kasi ng netizen, “Tsk, tsk. She is lost. Completely. The devil owns her soul now. How can people be so blind? Why would you trade your soul ever? The d will never let go without a fight.
She just made it impossible for her soul to fight... Lord have mercy on your soul, Nadine. Hahay... you have been deceived.”
Tanong ng mga fans ni Nadine, saang planeta raw ba galing ang nag-comment na ito at kontra sa mga nagpapa-tattoo, lalo na sa dragon tattoo ni Nadine at pati na siguro sa iba pang tattoo ng aktres.
Comment ng iba pang fans ni Nadine, bakit ang aktres lang ang pinag-iinitan ng netizen, gayung ang daming celebrities na nagpapa-tattoo? Pati nga ang mga sikat na singers at artista, may mga tattoo. Ibig daw bang sabihin, lost din sila?





Comments