Aktres, nag-thank you sa mga friends… PIOLO, DEDMA SA POST NI SHAINA NA MAY COVID SIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 15, 2022

Pare-pareho ang comment ng mga netizens sa ipinost ni Shaina Magdayao na quarantine area niya sa kanilang bahay dahil nasa indoor garden siya nagpapagaling.
Comment ng mga netizens, kung ganu’n kaganda ang quarantine area ng may Covid-19 na may mga plants pa, mabilis kang gagaling.
Nag-positive sa COVID-19 si Shaina noong January 9 and good thing na may booster shot na siya.
Noong araw na nag-post siya, third day na ng isolation ni Shaina at nagpasalamat siya, “For friends and family who have been checking on me every single positive day."
Umaasa at naniniwala ang mga shippers nina Shaina at Piolo Pascual na isa si Papa P. sa mga sinabi ni Shaina na nagtse-check sa kanya every day. Wala kasi ang pangalan ng aktor sa mga nag-like sa post ni Shaina at hindi rin nag-comment.
Sa post ni Shaina, parang hindi mild ang kanyang symptoms dahil consistent ang 38-39 fever niya, super sore throat, bad cough and phlegm at may rashes pang lumabas sa buo niyang katawan.
Hopefully, she’s okay now.





Comments